Sistematiko ang pandarambong ng Estados Unidos sa likas na yaman ng Pilipinas. Matapos ang ilang dekadang pagtotroso at pagmimina sa ilalim ng pamahalaang kolonyal, siniguro rin ang ibayong paglimas sa anumang mahuhuthot sa mga Pilipino kahit pa kunwa-kunwaring “ipinagkaloob” nila ang kalayaan ng bansa.
Pakinggan ang krimen ng Estados Unidos sa bayan, dito sa ika-anim sa serye ng maigsing dramang panradyo na unang inilabas ng Kodao noong 2001.
Muling inilalathala ito sa gitna na tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansang Pilipinas.









