‘Kalokohan ‘yang Red October na ‘yan’

“Iyong Red October plot na inilalako ng gubyerno, kalokohan talaga iyon. Mabuti pa, pag-usapan na lang ang panawagan ng magsasaka dahil ang Oktubre ay Peasant Month.”—Evangeline Hernandez, Chaiperson, Hustisya

‘Sobra ang dagok’

“Dati, itong pechay-baguio, ang kuha namin ay nasa P90 lang. Ngayon, nasa P150 na. ‘Yung repolyo, dati P80. Ngayon, P180 na. Sobrang laki ang itinaas, kaya sobra rin ang nararamdaman namin na dagok.”–Mang Ricky, tindero ng gulay, Sitio San Roque, Quezon City

‘Local palay procurement over importation’

“NFA should prioritize local palay procurement over importation to stabilize rice prices and avoid the continuing rice crisis because of limited NFA rice supply.”—Bantay Bigas

‘Itaas sa P20 ang kilo ng palay’

“Isang dekada nang binibili ng NFA ng P17 kada kilo ang palay. Panahon na para taasan ang support price ng NFA at gawing P20 kada kilo.”–Zenaida Soriano, chairperson, Amihan

‘Rice industry is at the risk of annihilation’

“Only private traders and importers, as well as rice cartels, benefit from importation while the livelihood of our farmers and the entire local rice industry is at the risk of annihilation.” – Cathy Estabillo, Spokesperson, Bantay Bigas

‘Hindi maiwasang mangutang’

“Ngayon pa nga lang, hirap na e. Paano pa ‘pag tumaas ‘yung presyo ng bigas? Lalo na high school na ‘yung mga anak ko, may mga panahon talagang hindi maiiwasang mangutang.” – Florenda Biagatindera ng kanin

Ang malaking laban na dapat nating harapin

“Labanan ang pasistang atake sa mamamayan. Ito ang malaking laban na dapat nating harapin.”Atty. Nero Colmenares, chairperson, National Union of Peoples’ Lawyers, at the 5th National Congress of the Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights

‘Ang ibinigay sa atin ay TRAIN’

“Ang mga manggagawa na nananawagan ng pagwawakas ng kontraktwalisasyon para sa nakabubuhay na sahod ay naibigay ba ni Duterte? Ang ibinigay sa atin ay TRAIN. Taas-presyo ng mga bilihin na lalong nagpapahirap at nagpapagutom sa taong bayan.”—Einstein Recedes, Anakbayan secretary general

‘Ikaw ay pinapatay na’

“Ang pinakamalupit na paglabag sa karapatan sa ngayon, hindi ka na kinakasuhan, hindi ka na binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag o magbago, ikaw ay pinapatay na.”–Teddy Casiño, Bagong Alyansang Makabayan

BALSA calls for donations for flood victims