“Hindi ‘politika’ ang paniningil sa 612.5 milyon winaldas na pondo. Hindi ‘politika’ ang paghingi ng hustisya para sa mga guro, estudyante, at mamamayan na pinagkaitan ng edukasyon at ibang serbisyo dahil dinala ang pondo sa winaldas na CF (confidential funds).
“Public office is a public trust. At kapag ang tiwalang iyan ay nilapastangan, kapag ang kaban ng bayan ay ginawang personal na piggy bank, wala nang ibang nararapat na hatol kundi ang pagpapatalsik.” – ACT Teachers Rep. Antonio Tinio




