Imahe ni Nuel M. Bacarra/Kodao

Higit sa lahat, para ito sa kababaihang kinakatawan ng Gabriela

“Tumitindig tayo kasama ng bawat babaeng patuloy na minamaliit, binabastos, at sinusubukang patahimikin. Bilang kinatawan ng Gabriela Women’s Party, tungkulin nating igiit na ang ganitong uri ng asal ay hindi dapat palampasin.

“Patuloy na lalaban ang kababaihan sa loob ng Kongreso o sa labas man nito upang igiit ang respeto, dignidad, at pananagutan. Ang laban na ito ay hindi lamang para sa akin. Ito ay para sa lahat ng kababaihang tumatangging manatiling tahimik.” — Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago hinggil sa isinampang reklamo kay Atty. Ferdinand Topacio sa Integrated Bar of the Philippines
Imahe ni Nuel M. Bacarra/Kodao