“Patunay lang ito na kabulastugan ang dahilan ng gubyernong ‘mas maliit ang gastos sa mga rehiyon’ upang panatilihin ang Regional Wage Boards, gayong mas malaking bahagi ng sahod ng mga manggagawa sa rehiyon ang nilalamon ng lingguhang taas-presyo ng petrolyo.
“Kahit sa panahon ng krisis, barat, bulok, at makupad pa rin ang Regional Wage Boards! Kagyat, napapanahon, at makatwiran lang na buwagin na ang mga RWBs at ipatupad ang PHP1200 family living wage sa buong bansa para makaagapay naman ang mga manggagawa at kanilang pamilya sa presyo ng mga bilihin.” — Kilusang Mayo Uno deputy secretary general Joanne Cesario




