‘Masugid na peoples’ lawyer’

Si Ben Ramos ay isang masugid na people’s lawyer, abogado ng mga magsasaka, abogado ng napakaraming political prisoner. Dahil dito, siya ay pinatay.–Atty. Rey Cortez, Secretary General, National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)

Meme by Carlo Francisco

‘Gigising sa manananggol ng bayan’

“Ang dugo ni Ben Ramos ay gigising sa mas marami pang mananggol ng bayan, sa mga manananggol para sa interes ng bayan.”–Rep. Carlos Zarate, Bayan Muna

Meme by Carlo Francisco

‘Maaari na silang patayin?’

“Sabi ni DAR secretary Castriciones, ‘Sila pong namatay na siyam, hindi sila ang may-ari ng lupa at ng hacienda.’ Ang ibig sabihin ba nito ay maaari na silang patayin?”–Rita Baua, Bagong Alyansang Makabayan

‘Pakana ng gobyerno’

“Ang October plot ay isang pakana ng gobyerno para bigyang katwiran na harangin, i-delay at harasin ang lahat ng makiki-gunita sa araw ng mga magsasaka.”—Pido Gonzales, PAMALAKAYA Southern Tagalog

‘Trabaho, serbisyo, paninirahan’

“Kaming mga maralita, ang panawagan namin ay trabaho na may sapat na sahod, gayundin ang serbisyong panlipunan—lalong-lalo na ang disenteng paninirahan.”—Bea Arellano, Chairperson, Kadamay

‘Mababang tingin ni Duterte sa kababaihan’

“Ayaw namin kay Duterte dahil sa hindi maganda at mababa niyang pagtingin sa kababaihan.”—Gert Libang, Vice-Chairperson, Gabriela

‘Kalokohan ‘yang Red October na ‘yan’

“Iyong Red October plot na inilalako ng gubyerno, kalokohan talaga iyon. Mabuti pa, pag-usapan na lang ang panawagan ng magsasaka dahil ang Oktubre ay Peasant Month.”—Evangeline Hernandez, Chaiperson, Hustisya

‘Sobra ang dagok’

“Dati, itong pechay-baguio, ang kuha namin ay nasa P90 lang. Ngayon, nasa P150 na. ‘Yung repolyo, dati P80. Ngayon, P180 na. Sobrang laki ang itinaas, kaya sobra rin ang nararamdaman namin na dagok.”–Mang Ricky, tindero ng gulay, Sitio San Roque, Quezon City

‘Local palay procurement over importation’

“NFA should prioritize local palay procurement over importation to stabilize rice prices and avoid the continuing rice crisis because of limited NFA rice supply.”—Bantay Bigas

‘Itaas sa P20 ang kilo ng palay’

“Isang dekada nang binibili ng NFA ng P17 kada kilo ang palay. Panahon na para taasan ang support price ng NFA at gawing P20 kada kilo.”–Zenaida Soriano, chairperson, Amihan