Video is one of Kodao’s core programs. Watch our newsreels, documentaries and livestreams here.

Ang mga Tsuper sa Gitna ng Lockdown

Dalawa lamang sina Tatay Leon at Tatay Diosdado sa mga tsuper na apektado ng tigil-pasada dahil sa lockdown.

Nagsimula ang lockdown sa buong Metro Manila noong Marso 15. Ito ay para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Kaugnay nito ang pagbabawal sa mga pampublikong transportasyon na mag-operate. Tinatayang nasa 75,000 ang bilang ng mga nakarehistrong jeepneys sa Metro Manila lamang.

Giit ni Tatay Leon na dapat mag-isip ang pangulo kung paano matutulungan ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa lockdown. Simula pa noong lunes, Marso 16, tigil-pasada na ang mga jeepneys at hirap ang mga tsuper sa paghahanap ng makakain.

Naganap ang panayam noong Marso 20.

Bidyo nila Jola Diones-Mamangun, Arrem Alacaraz, Reggie Mamangun at Jo Maline D. Mamangun

Music Info: Dramatic Emotional – AShamaluevMusic.

Music Link: https://youtu.be/il9HGo4hPjI

Mga pamilyang apektado ng demolisyon, wala pa ring nakukuhang aksyon

Sa kabila ng banta sa kalusugan ng mga mamamayan, nananatili pa rin sa labas at walang masilungan ang 107 mga pamilya sa Sampaloc, Manila.

“Sabi ng (gubyerno) pumasok sa bahay, saan kaming papasok na bahay? Dati may kubo kami, sinira lang nila, tas ngayon tinatanong namin, saan namin patutulugin ang mga bata?”, ani ni Benjie Subillano, isa sa mga nawalan ng tirahan dahil sa demolisyon.

Dinimolish ng pamahalaan, nitong nagdaang buwan, ang mga bahay sa gilid ng kalsada sa Barangay 432, Sampaloc, Manila. Ito ay sakop ng clearing operation na isinagawa sa lugar. Kahit nasa 217 na ang bilang ng mga nagpostibo sa COVID-19 sa bansa, wala pa ring nakukuhang aksyon ang mga biktima ng demolisyon.

Bidyo ni Arrem Alcaraz/Kodao

Si Nanay Inday at ang mga kababaihan sa mga urban poor area

Ngayong buwan ng mga kababaihan, nagbigay ng pahayag si Estrelieta “Nanay Inday” Bagasbas, Vice Chair ng KADAMAY National at tagapangulo ng KADAMAY sa barangay San Roque, hinggil sa nararanasan ng mga kababaihan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon sa kanya, iba’t ibang mga pasakit at sakripisyo ang pinapasan ng mga kababaihan sa maralitang lunsod bunsod ng mga mapanupil na patakaran ng administrasyong Duterte.

Ilan sa mga ito ay ang demolisyon, pagtataboy sa kanilang mga kabuhayan, atbp.

Bidyo ni Arrem Alcaraz/Kodao

Ilang manggagawa nastranded pauwi sa kanilang tahanan

Naglabas ng hinaing ang ilan sa mga kababayan natin na hindi pinayagang makatawid at makauwi sa kanilang mga tahanan noong umaga ng Marso 18 sa boundary ng Pasig City at Cainta sa Rizal. Ito ay matapos ipatupad noong Marso 15 ang Luzon-wide lockdown, sanhi ng CoViD-19, na tatagal hanggang Abril 12

Giit ng mga pulis, tanging mga taga-Cainta lamang ang maaring dumaan sa checkpoint at inaantay pa ang abiso mula sa Malacanang kung sila ay padadaanin. Sinabi pa nila na humanap na lamang ng ibang daanan ang hindi mga taga-Cainta bagay na ikinagalit ng ilan sa mga kababayan natin na halos araw-araw ay dumadaan sa nasabing ruta mula sa kanilang mga trabaho.

Joseph Cuevas/Kodao

Lunas hindi dahas laban sa CoViD 19

Ilang araw bago ang pagpapatupad ng lockdown sa Metro Manila bunsod ng sakit na Corona Virus Disease 2019 o CoViD 19, nagprotesta ang ilang grupo laban sa militaristang solusyon ng gobyerno laban sa nasabing sakit sa Boy Scout Rotonda sa Quezon City.

Ayon sa Gabriela, dapat ay medikal na aksyon at hindi militaristang paraan ang gawin katulad ng pagpapalakas ng public health system at pagdedeploy ng mas maraming health workers, doktor at nurse imbes na mga sundalo at pulis gayundin ang paglalaan ng mas malaking badyet para sa kalusugan.

Bidyo nila Joseph Cuevas at Reggie Mamangun/ Kodao

Panggigipit at pandarahas sa mga makabayang guro

Si Joselyn Martinez, isang babaeng guro at tumatayong tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers Philippines ay nagbahagi ng kanyang karanasan noong siya ay ginipit ng gobyerno sa pamamagitan ng isang gawa-gawang kaso noong 2018.

Inilahad din niya ang ilang pang-aatake sa mga lider-guro na naninindigan at lumalaban para sa kapakanan at interes ng kanilang hanay.

Pahayag ng Coalition for People’s Right to Health tungkol sa CoVid 19

Nagbigay pahayag si Dr. Joshua San Pedro, co-convenor ng Coalition for People’s Right to Health kaugnay sa kumakalat na sakit na Corona Virus Disease o CoViD 19 at ang kakulangan ng gobyerno sa paghahanda nito sa mamamayan.

Anti-Terror Bill, tinutulan ng mga mamamahayag

Nagbigay ng pahayag ang managing editor ng Bulatlat.com, isang alternatibong online news outfit, na si Ronalyn Olea patungkol sa dinidinig na panukalang batas sa kongreso na Anti – Terror Bill.

Ngayong araw, Marso 10, 2020 ay inihapag na sa unang pagdinig sa Kongreso.

Bidyo nina Arrem Alcaraz at Carlo Francisco/Kodao

Pahayag ng Bayan Muna sa Human Security Act

Nagbigay ng pahayag si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate hinggil sa pagdinig ng Mababang Kapulungan sa pag-amyenda ng Human Security Act of 2007.

Pandaigdigang Araw ng Kababaihan 2020 para sa Sahod, Trabaho, Lupa at Karapatan

Pinangunahan ng grupong Gabriela at iba pang progresibong grupo ang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Manggagawa sa isang kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio at Mendiola sa Maynila noong Marso 8.

Panawagan nila ngayong taon ang Sahod, Trabaho, Lupa at Karapatan na kanilang sinisingil sa gobyerno ni Pangulong Duterte. Bukod sa matinding karahasan at pasismong nararanasan ng kababaihan at mamamayan, tinututulan din nila ang pag-amyenda sa Public Services Act at pagbuhay sa Charter Change na siyang magpapatindi sa mga polisiya at programa ng pamahalaan na anila’y neoliberal na dikta ng mga imperyalistang bansa at ibayong nagpapahirap sa mamamayang Pilipino.

(Bidyo ni: Joseph Cuevas/Kodao)