Mga progresibong grupo, naghain ng reklamo laban sa NTF-ELCAC
Nagtungo sa Office of the Ombudsman para maghain ng kasong administratibo at kriminal ang Altermidya Peoples’ Network, Bulatlat, Kodao Productions at Pinoy Weekly laban sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
Ito ay hinggil sa red-tagging kamakailan ng NTF-ELCAC sa mga alternative media organizations. Naging resulta ito nang pag-aresto at pagkakulong nila Frenchie Mae Cumpio ng Eastern Vista noong Pebrero 2020 at Lady Ann Salem, editor ng Manila Today, na inaresto noong Disyembre 10 sa Mandaluyong City.
Ayon sa kanila, ang red-tagging ay nagdudulot ng panganib sa mamamahayag at sa malayang pamamahayag. # (Bidyo ni Joseph Cuevas/Kodao)