Videos

Lockdown sa NBP, hiniling na tanggalin

Matinding lockdown ang ipinapatupad ngayon sa Maximum Security Compound matapos gibain ang kanilang mga kubol sa loob ng compound. Nakakaranas na din ng matinding gutom at kawalan ng atensyong medikal ang mga bilanggo. Ayon sa Kapatid, umabot na sa pito ang namatay sa loob lamang nang apat na araw simula noong Oktubre 15.

Labor Rights Defender Network inilunsad

Sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte, lalong tumindi ang paglabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa. Kabilang na dito ang pagpaslang sa 43 lider manggagawa at labor rights advocates, pambubuwag sa mga unyon at welga, red-tagging at ilegal na pag-aresto sa mga union organizer.

‘PUV phaseout, para lamang sa malalaking negosyante’

Ayon sa mga tsuper, tatanggalin ang kanilang indibidwal na prangkisa sa dyip, UV express at tricycle na siya namang sakayan ng mayorya ng mahihirap na Pilipino. Ang mga prangkisa naman ay iko-konsentra sa malalaking negosyante na magpapanggap na mga kooperatiba. Magdudulot ng malawakang pagkawala ng kanilang hanapbuhay ang dulot ng iskemang ito, anila.

KUNDIMAN by Chickoy Pura and friends

The Concerned Artists of the Philippines organized a benefit concert for Chickoy Pura last September 27 at the University of Philippines Hotel. Here is Chickoy Pura and his musician friends performing “Kundiman”.