Sa kabila ng mga boladas at palabas sa Kongreso, ipinamalas ng mamamayan ang tunay nilang saloobin at hinaing sa People’s State of the Nation rally noong Lunes. Kanilang tinuligsa ang nagpapatuloy na kahirapan, ang pagsuko ng soberanya ng bansa sa mga dayuhan, ang pang-aapi at pagyurak sa kanilang karapatan, ang awayan ng mga politiko, at marami pang isyu. Ang mga ito ang ilang eksena sa kanilang kilos protesta.




