Lahat ng sangkot, dapat managot, simula sa tuktok
Bakit nga ba tila iniiwas ng ilan si Marcos sa pananagutan gayong siya ang gumawa ng budget, siya ang nagpalobo ng unprogrammed funds na ginamit sa ma-anomalyang flood control projects? Siya din ang nag-approve ng releases ng unprogrammed funds. Siya ang nagpanatili ng sistema ng pork barrel o congressional allocations, at siya ang patuloy na nagbubukas ng pinto para sa korapsyon sa proposed budget para sa 2026.








