Katutubo, muling kinaligtaan sa ika-apat na SONA ni Marcos
Sa kabila ng lumalalang karahasan at panunupil sa mga katutubong mamamayan sa rehiyon ng Cordillera, nanatiling tahimik si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin ng indigenous peoples (IP) rights sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nitong nakaraang Lunes.






