ALIPATO (Kay Ka Gelas)
Dinuyan, inakay, at tinangay ka ng hangin/matapos ang pag-aaklas na gaya sa isang kaingin,/
at nakiisa’t inihatid ka ng mga nagluluksang alitaptap/na sindami ng buhangin…
Dinuyan, inakay, at tinangay ka ng hangin/matapos ang pag-aaklas na gaya sa isang kaingin,/
at nakiisa’t inihatid ka ng mga nagluluksang alitaptap/na sindami ng buhangin…
“Sinasabi ko ito dahil sa marami akong naririnig (kadalasan ay sa mga brodkaster) na gumagamit ng mga salitang “Tagalog” na hindi nila naiintindihan ay lumilikha ng mal-edukasyon sa publiko.”
LUNAS ang pagtula, o pagsulat nito – alternatibong lunas pero hindi panandalian ang bisa (palliative). Pangmatagalan. Upang guminhawa ang pakiramdam, ibinuhos ni Raymund ang marahil ay malaking bahagdan ng mga naipong likido sa katawan sa 100-pahina ng mga tula at litrato tungkol sa personal at pampolitikang kaisipan sa “Persolitika: Mga tula at larawan”.
It begs the question, “Whatever our heroes sacrificed their lives for when, more than a hundred years after their mortal bodies have rejoined their beloved soil, we are still battling the very same demons?”
May kaisipang iniambag si Ben Domingo, isang retiradong propesor sa komunikasyon. Sabi niya’y dapat masdan ang Wikang Pambansa sa positibong paraan.
Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang Pambansa na itinatag noong 1936 ay nagrekomenda na ang wikang Tagalog ang gawing basehan ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si Jaime C. de Veyra. Noong Disyembre 1938, si Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at naghahayag na mangyayari ang pag-tanggap ng pambansang wika sa loob ng dalawang taon mula rito.
Dapat itong mabatid ng mga bata ngayon pa lamang at iyan ang isinusulong ni Luis P. Gatmaitan, isang doktor ng medisina at awtor ng mga aklat-pambata.
“Ang KAWIKA rin ang nagpasimuno upang taguriang Pilipino ang wika natin sa halip na Wikang Pambansa o National Language. Sila rin ang nanguna upang isa-Pilipino ang mga pangalan ng iba’t-ibang departamento ng gobyerno, gayundin ng mga opisyal na talastasan nito. “
Si Regalado, para sa akin (hindi dahil siya’y kababayan ko), ay isa sa mga dakilang manunulat na Bulakenyo na nakalimutan na ng mga salinlahing sumunod sa amin. Nguni’t hindi ba dapat ay suubin siya ng insenso, katulad ng iba pang kilalang manunulat na nagawang magsabog na bituin sa langit ng panitikang Pilipino?
Nasa listahan ng mga manunulat ngayon na taga-Nueva Ecija na kinikilala sa buong daigdig sina: (sa pagkakasunod ayon sa alpabeto) Rony V. Diaz, Rogelio Mangahas, Maria Odulio De Guzman, Wilfredo Pascual, at Rogelio Sicat.






