Ni Prestoline S. Suyat
Napunit na damit?
Matagal ding naghari ang gabing pusikit.
Napunit na damit?
May nasilayan na ring bituin sa langit.
Napunit na damit?
May kriminal na hilong nabitbit.
Napunit na damit?
Mga takot na kasapakat nama’y nag-aalumpihit.
Napunit na damit?
Tulirong mga panatiko’y nawawalan ng bait.
Napunit na damit?
Ang bumagsak sa toreng bulok ay talagang masakit.
Napunit na damit?
Hustisya, hustisya ang ngayo’y nasasambit.
Napunit na damit?
Damhin ang bayang nagngingitngit.








