A poem for RJ Ledesma

 

By George T. Calaor

 

They found you where

the farmers whisper

to the soil…

 

where windmills rise

like sentinels

of stolen sky…

 

your pen still

warm with stories

yet untold…

 

your silence thundered

louder than their guns.

 

They said it was

an encounter

in the hills…

 

but truth walked

barefoot through

Sitio Plariding…

 

a journalist armed only

with notebooks

and resolve…

 

was killed where

peasants guarded

their tomorrow.

 

You wrote of land

devoured by

shining panels…

 

of turbines spinning profit from the poor people’s wind…

 

of rivers chained

for distant cities’ hunger…

 

and sugarcane fields

that swallowed

workers whole.

 

They red-tagged

your words

fearing their own reflection…

 

called truth

propaganda

and courage subversion…

 

but every lie

they planted

in your name…

 

grew roots in villages

that learned to speak.

 

Now your blood maps

in the fields of Negros

 

a compass pointing

toward unfinished

struggle

 

your verses march

with sakadas

in the cane

 

your breath rides

the monsoon

of resistance.

 

We lift your name

like banners

in the storm

 

not grief alone

but fury in our hands

 

for every fallen pen

a thousand shall rise

 

and justice blooms

where martyrs

write in flame!

 

  • •••••••••••

 

Sa Liyab na Isinulat ng mga Martir

 

Natagpuan ka

sa lupang

binubungkal sa hinagpis

ng mga magsasaka…

 

kung saan ang hangin

ay sinaklaw ng ganid

na kapangyarihan…

 

umaalab ang iyong pluma sa mga kuwentong

hindi pa natatapos…

 

at ang iyong katahimikan

ay alingawngaw

na lumilibing

sa mga putok

mula sa gatilyo

ng mga

bayarang berdugo.

 

Sabi nila ay

engkwentro

sa kabundukan

 

ngunit nakayapak

ang katotohanan

sa Sitio Plariding…

 

isang mamamahayag

na ang tanging tangan

ay kuwaderno

at paninindigan…

 

pinaslang sa piling

ng mga nagbubungkal

ng kalayaan.

 

Isinalaysay mo

kung paano

kinamkam ang lupa

sa ngalan ng huwad

na progreso…

 

ang hanging ihip

ay ginawang tubo

para sa kapakanan

ng iilan lamang…

 

ang ilog na agos

ay inilihis

sa pagdaloy

ng kasaganaan

para lamang

sa mayayaman

at makapangyarihan…

 

at tubuhan

na pinatamis

sa pinigang pawis

at dugong pinagpistahan

ng mga namamanginoon

sa lupang kinamkam.

 

Ni-redtag kang terorista—imaheng berdugong-pilit

nilang ipinamamaskara

sa mukha ng katotohanan

at katarungan

upang ikubli

ang pasistang

kaduwagan

ng kanilang

kalamnan!

 

Ngunit bawat

kasinungalingang

itinanim sa iyong

pangalan…

 

ay galit na baging

gumagapang

sa mga baryong

natutong lumaban…

 

ang iyong tula

ay sumasabay

sa hakbang

ng mga sakada…

 

habagat ng

walang humpay

na paglaban.

 

Pangalan mo

ay itatanghal

sa gitna ng bagyo

kasama ng iba pang

mga pinaslang.

 

Pagkatapos

ng paghikbi

ay sigwa!

 

Sa bawat panulat

na pinatahimik

libo ang sisibol.

 

Hustisya ay apoy

naglalagablab

sa panulat

ng mga martir.