Posts

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 7)

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Proucions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

7. Sinabi ni President Aquino sa kanyang pahayag na may binuo nang board of inquiry, mapagkakatiwalaan po ba ito ng mamamayang Pilipino?

Hindi mapagkakatiwalaan ang board of inquiry na yan. Mga tauhan ni Aquino ang bumubuo. Hindi nila kayang papanagutin si Aquino o ungkatin ang pag-utos ng mga opisyal na Amerikano kay Aquino. Hindi independent ang board. Ang kaya nilang sisihin ay yong commander ng SAF at yong mga isinubo sa tiyak na kamatayan.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 5-6))

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

5. Kailangan pa bang magpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GPH? Kung oo o hindi, bakit?

JMS: Dahil sa insidente, lalong kailangan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at MILF. Kung matitigil ang peace negotiations, lalo pang mas maraming mamamatay sa labanan. Kasalanan ni Aquino na linabag niya ang ceasefire agreement sa pagbalewala sa konsultasyon at koordinasyon sa MILF.

Binalewala rin niya ang koordinasyon sa mismong mga sundalo niya sa PhIlippine Army sa paligid. Walang kwenta siyang commander-in-chief. Dahil sa kriminal na kapalpakan niya, baka matupad ang hangarin ng former defense secretary Norberto Gonzales na ikudeta siya.

6. Ano ang inyong masasabi sa pahayag ni dating president Erap na itigil na ang peace talks para hindi na maulit ang pangyayari?

JMS: Noon pang Presidente siya, nais na ni Erap na pulbusin ang MILF at Bangsamoro. Sinalakay niya ang mga kampo ng MILF. Pero hindi naman siya nagtagumpay sa panaginip niyang durugin ang MILF at Bangsamoro. Dahil sa pagsalakay niya sa Bangsamoro, lumubha ang kanyang budget deficit at lalong gumewang ang paghahari niya hanggang ibinagsak siya ng sambayanang Pilipino.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 3-4)

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

3. Binigyan-diin ng pangulo ang mga krimen nina Marwan at Usman sa umpisa ng kanyang talumpati. Ito marahil ay para mabigyan ng hustisya ang operation ng PNP-SAF sa Maguindanao, subalit hindi niya sinabi na siya at ang US ay sangkot sa operasyon na ito. Ano po ang inyong pahayag dito?

JMS: Walang kwestiyon na dapat hulihin sina Marwan at Usman dahil sa warrants of arrest at malulubhang paratang sa kanila. Pero walang karapatan si Aquino na isubo ang maraming sundalo ng SAF sa tiyak na kamatayan dahil sa estupidong plano at kawalan ng koordinasyon sa mga kinauukulan. Bale gumawa sina Aquino, Ochoa at Purisima ng malubhang krimen na isinubo nila ang maraming SAF sa tiyak na kamatayan. Lalong malubha ang krimen nila dahil sa sunud-sunuran sila sa mga utos ng mga bos nilang mga Amerikano at nasilaw rin sila sa malaking dolyar na reward money.

4. Nahahati ngayon ang opinyon ng mga kapulisan hinggil sa naging papel ng gubyerno sa madugong engkwentro, ano po ang inyong maipapayo sa kanila?

JMS: Dapat batikusin at isakdal ng PNP, SAF at sambayanang Pilipino si Aquino dahil sa kanyang kriminal na pagpapahamak sa mga nasawing sundalo ng SAF. Dapat ding tuligsain ang kanyang pagiging utu-uto ng mga bos niyang Amerikano.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 2)

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

2. Naglabas po kayo ng mga tanong kaninang umaga para makatulong sa taumbayan sa kanilang pagsusuri sa naganap na engkwentro, marami po dito ay hindi nasagot ni Pnoy sa kanyang pahayag sa telebisyon. Ano po ang inyong masasabi dito?

JMS: Hindi sinagot ni Aquino ang aking mga tanong na inilathala bago siya nagpahayag.
Wala siyang sinabi tungkol sa prinsipal na pananagutan niya, kung bakit sinarili niya at nina Executive Secretary Ochoa at resigned PC chief Purisima ang command responsibility sa proyektong laban kay Marwan at Usman, kung bakit walang alam sa proyekto sina DILG secretary Roxas and PNP central command, kung bakit walang koordinasyon ang SAF sa mga army unit ng AFP at sa MILF alinsunod sa ceasefire agreement, kung bakit malaki ang pakialam ng mga opisyal at militar na Amerikano sa buong proyekto at operasyon at sunud-sunuran si Aquino sa mga bos niyang Kano.

Pahapyaw na sinabi ni Aquino na alam niya ang proyekto at operasyon. Pagkatapos , bumuhos na ang pagsisinungaling niya at pagbibintang niya sa iba. Pero may sapat na pagtanggap siya bagamat unwitting sa pinakamalaking pananagutan sa pagkapatay ng maraming sundalo ng SAF.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Aquino’s statement on Maguindanao encounter (Part 1)

ITANONG MO KAY KAY PROF: Tungkol sa talumpati ni Aquino hinggil sa sagupaan at maraming namatay na SAF sa Mamasapano, Maguindanao

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison, January 28, 2015

1. Ano po ang inyong masasabi sa pangkabuuan sa mga ipinahayag ni Pres. Noynoy Aquino hinggil sa naganap na engkwentro sa pagitan ng PNP-SAF at MILF?

JMS: Sa kanyang pahayag sa telebisyon, nagsinungaling si Aquino at umiilag sa katotohanan. Hindi marunong tumanggap ng command responsibility, kahit na may direct responsibility siya. Hindi niya hinarap ang pinakaimportanteng tanong sa kanya: kung bakit isinubo niya sa tiyak na kamatayan ang maraming sundalo ng SAF?

Sa halip, mahaba ang satsat niya tungkol sa mga warrant of arrest, kung gaano kasama sina Marwan at Usman at gaano ring kasama ang mga katulad ng mag-amang Estrada na gustong ipawalang saysay ang peace negotiations sa MILF bago siyang umasta na buwayang lumuluha para sa mga pamilya ng mga sundalong napatay.

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Last Part)

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

4. Sa inyo po bang pagtingin, dapat pa bang magpatuloy ang KM? May mahalaga bang papel ang kilusang kabataan sa buong laban ng mamamayan?

JMS: Dapat magpatuloy ang KM. Nagpatuloy naman ito sa underground sa panahon ng martial law at pagkatapos. Nananatili ang pangalan na Kabataang Makabayan kahit na ito ay gumaganap ng papel ng Communist Youth League. Ipinagpapatuloy ng KM ang rebolusyong Pilipino sa hanay ng kabataan. Gusto nitong magwagi ang bagong demokratikong rebolusyon at kasunod nito umpisahan ang sosyalistang rebolusyon.

5. May mensahe ba kayo sa darating na paggunita sa FQS?

JMS: Ipagbunyi ang FQS bilang dakilang tagumpay ng kabataang Pilipino at sambayanan sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Parangalan ang mga martir ng FQS. Gunitain ang mga sakripisyo, pakikibaka at mga tagumpay ng mga lumahok sa FQS. Ipagbunyi ang pagpanday ng FQS sa maraming bayaning kalalakihan at kababaihan na nagpatuloy ng pakibabaka sa panahon ng martial law at hanggang ngayon.

Ang mga prinsipyo at layunin ng FQS ay buhay ngayon sa isip at damdamin ng ating mga kababayan na nais magkamit ng ganap na pambansang kalayaan, demokrasya, hustisya sosyal, pag-unlad, kasaganaan at kapayapaan.###

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 3)

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

3. Bakit po naging iligal ang Kabataang Makabayan o KM?

JMS: Magmula pa FQS ng 1970 galit na galit na si Marcos sa Kabataang Makabayan. Alam niyang matatag at militanteng kalaban niya ito. Alam niya ring ang KM ang pasimuno sa mga protesta sa buong bansa. Nang sinuspindi ni Marcos ang writ of habeas corpus noong 1971 pinag-aaresto niya ang ilang lider ng Kabataang Makabayan at gusto niyang sindakin ang buong KM at sambayanang Pilipino. Pero patuloy pa rin ang magiting na pagkilos ng KM laban sa rehimen. Sa pagdeklara ng martial law noong 1972, ginawa ni Marcos na ilegal ang KM at pinilit ito na mag-underground. Pinaghuhuli, tinotorture at pinagpapaslang ang mga KM na inaabutan ng kalaban. Sa gayon, karamihan ng mga nasa Bantayog ng Bayani ay mga lider at myembro ng KM. Ang KM naman ay nakatulong nang napakalaki sa pagpapalawak ng CPP, NPA at NDFP sa buong bansa.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 2)

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

2. Ano po ang kabuluhan nito sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan laban sa mapang-api at anti-mamamayang mga patakaran mula kay Marcos hanggang sa kasalukuyan?

JMS: Makabuluhan ang First Quarter Storm ng 1970 sa kasaysayan ng pagkilos ng mga kabataan at sambayanang Pilipino dahil ipinakita ng pagbabalikwas na ito na kaya ng masang tumindig para sa mga pambansa at demokratikong karapatan, magtipon ng lakas at kumilos para labanan ang brutal na rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ng FQS, lumakas ang mga organisasyong masa na may katangiang pambansa-demokratiko hindi lamang sa National Capital Region kundi sa buong bansa. Kumalat ang mga protesta sa mga prubinsya.

Ang FQS ng 1970 ay naging inspirasyon ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa palubhang pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng Marcos. Sa panahon ng martial law, laging iniisip ng mga tao na dating kaya ng masa na gumawa ng FQS at kung gayon kayang gawin muli ang ganito para ibagsak ang pasistang diktadura. Ang FQS ang historical antecedent ng Edsa uprising at iba pang pag-aalsa na nagpabagsak sa pasistang diktadura. Ipinakita ng FQS kung paano gumawa ng ahitasyon at propaganda at magtipon ng maraming tao sa pamamagitan ng mga martsa at rali.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on FQS Commemoration 2015 (Part 1)

ITANONG MO KAY PROF
Panayam ng Kodao kay Prof. Jose Maria Sison
January 22, 2015

1. Ano po ang ibig sabihin ng First Quarter Storm o FQS ng 1970?

JMS:Pumutok ang First Quarter Storm noong Enero 26, 1970 nang sinalakay ng mga pulis ang mga 10,000 demostrador sa harap ng Kongreso nang natapos ang state of the nation address ni Marcos. Sa unang kwarto ng taong 1970, mula Enero hanggang Marso, bumalikwas ang mga kabataan at iba pang mamamayan para labanan ang mga anti-mamamayan, anti-nasyonal at anti-demokratikong patakaran ng rehimeng Marcos at Estados Unidos. Sa bawat linggo, 50,000 hanggang 100,000 ang nagtitipon sa ibat-iang assembly point sa national capital region, sa Bonifacio Monument sa Caloocan, Tondo, Quezon City, Sampaloc, Pasay, Pasig Makati at ibang lugar.

Nagmamartsa ang mga demostrador at dumadagsa sila sa converging point. Daan-daang libong mamamayan sa dinadaanan ng mga martsa ang nagbibibigay suporta sa mga demostrador. Madalas na dumagsa ang mga nagmamartsa sa Plaza Miranda at pagkatapos tumutuloy sa harap ng Kongreso, ng Malakanyang o embahada ng Estados Unidos. Ang Kabataang Makabayan ang tampok na namuno sa kabataan. Kahit na gumagamit ng dahas ang rehimen para guluhin at supilin ang mga marta at rali, lalong lumalakas ang kilos masa at ang propaganda sa pambansang saklaw at sa mga lokalidad.

(Malaking pasasalamat kay Mon Ramirez sa kanyang mga siniping larawan ng FQS mula sa kanyang pagsasaliksik.)

ITANONG MO KAY PROF: Podcast on POW and peace negotiations

ITANONG MO KAY PROP
Panayam ng Kodao kay Prop. Jose Maria Sison
January 20, 2015

1. Ano po ang kahalagahan sa usapang pangkapayapaan ng ginagawang pagpapalaya ng NDFP-Mindanao sa mga POW sa kanilang rehiyon?

JMS: Napakahalaga ang pagpapakita ng NDFP-Mindanao ang humanitarian spirit at kagandahang loob ng kilusang rebolusyonaryo sa pamamagitan ng pagpapalaya ng mga prisoners of war. Ipinahayag ng NDFP-Mindanao na ang pagpapalaya ng mga POW ay goodwill measure para sa resumption ng peace negotiations. Pero hanggang ngayon walang maliwanag kung handa na ba ang rehimeng Aquino para sa usapang pangkapayapaan.

2. Umaasa rin po ba ang NDFP Negotiationg Panel na magpapalaya din ng mga political detainees ang GPH bago ang pag-uusap?

JMS: Syempre, umaasa ang NDFP negotiating panel at buong NDFP na mapalaya ang mga NDFP consultant alinsunod sa JASIG at iba pang political prisoner alinsunod sa CARHRIHL. Hinihiling ito ng mga religious at human rights organization at ng sambayanang Pilipino. Dumating at umalis na ang Papa, wala namang pinalaya na mga political prisoners. Maraming disappointed. Dapat palayain ang mga NDFP consultants at malaking bilang ng mga political prisoners bago magresume ng peace negotiations.