ITANONG MO KAY PROF: Podcast on Pnoy’s second national address (Part 1)
Panayan ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison hinggil sa pangalawang pahayag sa publiko ni Presidente Noynoy Aquino tungkol sa Mamasapano tragedy.
Pebrero 6, 2015
1. Ano po ang inyong masasabi sa pangkabuuan ng ipinahayag ngayong
gabi ni President Noynoy Aquino hinggil sa usapin pa rin ng Mamasapano
tragedy?
JMS: Hindi totoong tumatanggap ng responsabilidad si Noynoy sa unnecessary at unavoidable na pagkamatay ng 44 na kawal ng SAF at iba pang tao. Hindi niya tinatanggap nang maliwanag na sila ni Purisima sa mula’t sapul ang nagbigay ng go-signal sa Oplan Wolverine at nagsubo sa mga biktima sa kanilang kamatayan. Hindi rin niya tinatanggap na siya mismo ang nagbigay ng stand-down order na pumigil sa pagsaklolo ng 315 na SAF sa 77 SAF na napalaban. Pinigil din niya ang Army sa pagsaklolo sa mga naipit sa maisan.
Aroganteng idinidiin ni Aquino na siya ang Ama ng Bayan at responsabilidad niya na tulungan ang mga pamilya ng mga kawal ng SAF na pinatay habang siya ang presidente. Hindi niya tinatanggap na siya ang nagpahamak sa mga kawal niya. Inabswelto pa niya ang sarili at sinabing mananatili pa siyang presidente nang 17 buwan.