(Para kay Gene Roz Jamil C. de Jesus)

Ni Ibarra Banaag

Kahit lumuluha sa gitna ng hinahon,

nawa’y mapangibabawan ang hamon,

sana’y maging kalmado sa kumunoy,

kahit pa tumatangis sa dapit hapon.

Ano kaya ang kaniyang dinadanas,

sa sakmal ng mga walang habag,

ang bunsong sa Ina ay tumahan,

na ilang araw na niyang hinahanap.

Sa nagpayabong ng dahon at bulaklak,

 na sa alikabok ay muli pang madama,

sidhi at diliryo ng dambuhalang bigat,

namumukod tanging hangarin matupad.

Ang bisig at kamay na yumayakap,

mga matang may taglay na liwanag,

ang labi na humahalik sa dalamhati,

mga binting naghahatid ng pagbati.

Ngunit kahit sa siphayo’y di mapakali,

kahit pa pilit niyayapos ang pangamba,

kahit pa bangungot ay karimarimarin,

hiling sa Diyos, matunton ang hininga.

Higit na mahalaga ay magka-tuldok,

kaysa mabalisa ng walang tagpos,

at huwag matuyo ang luha sa pisngi,

o ibaon pa sa duyan ng huling hibik.

Subalit habang ang puso’y tumitibok,

ang bawat pintig ay lukso ng dugo,

handang manikluhod sa haring araw,

na bunutin na ang tarak na balaraw.

Ang salitang handa ay walang mukha,

ang tatag ng dibdib ay mapanlinlang,

abutin mang mapaos ang mga tinig,

‘di kailaman magbabago ang tindig.

May 8, 2023

======

De Jesus is a former student leader and a cum laude graduate of UP Baguio, reported missing since April 28 with Dexter Capuyan, a Bontoc-Ibaloy-Kankanaey indigenous peoples’ right activist. The latter had been accused by state forces as a leader in the New People’s Army.

The two were in Taytay, Rizal where Capuyan was seeking medical attention before they became incommunicado. Human rights group said that it is likely that they have been abducted by the military and demand that the two be immediately surfaced.

Dexter Capuyan (Photo from the Cordillera Human Rights Alliance)