Video is one of Kodao’s core programs. Watch our newsreels, documentaries and livestreams here.

People Surge: Emergency Shelter Assistance, ibigay na sa mga biktima ng Bagyong Yolanda


Naglunsad ng isang piket-dayalog sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga biktima ng Bagyong Yolanda kasama ang iba pang mga biktima ng Bagyong Ruby at Senyang.

Ipinapanawagan ng grupo na ipamahagi na ng gubyerno ang Emergency Shelter Assistance sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Yolanda.

May 13, 2015

Mga biktima ng bagyong Yolanda, Ruby at Senyang, tumungo sa Malakanyang

Typhoon Yolanda (Haiyan) victims traveled from Eastern Visayas and Panay to gather in Mendiola, Manila. They voiced all their complaints to Aquino government for neglecting their responsibilities in helping them.

Malacanang, Manila
May 14, 2015

Gabriela: Illegal recruiter ni MJV, dapat kasuhan


Kasama ng iba pang progresibong grupo, Gabriela hiniling sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang pagdinig sa kaso ni Mary Jane Veloso laban sa illegal recruiter na sina Cristina Sergio at kapartner nitong si Julius Lacanilao. Ngayong araw sinimulan ang preliminary investigation kina Sergio at Lacanilao para alamin ang naging papel nila sa limang taong pagdurusa sa kulungan ni Mary Jane Veloso sa Indonesia sa kasong pagdadala diumano ng droga sa kanilang bansa. Si Veloso ay biktima ng human trafficking at hindi kriminal ayon sa Gabriela secretary general Joms Salvador.

Department of Justice, Manila
May 8, 2015

Isabela farmers oppose large scale mining at Cordon town


Farmers from Isabela Province trooped to the national offices of the Department of Environment and Natural Resources in Quezon City last week to oppose large scale mining operations in Cordon town. They say their rice fields are in danger of being swamped by loose earth and poisonous mine tailings from the mining sites.

Isabela is the Philippines’ second biggest rice producer.

ACT: Ibasura ang K to 12 education program ng pamahalaang Aquino

Nagmartsa ang mga guro at istudyante sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at National Union of Students of the Philippines mula Philippine Normal University patungong Liwasang Bonifacio para ipakita ang mariing pagtutol sa pagpapatupad ng K-12 program sa edukasyon ng pamahalaang Aquino. Hiniling din nila na isuspinde ang kurikulum ng K-12 dahil wala diumano itong basehan na makakatulong ito sa pag-unlad ng bayan bagkus tiyak na panganib ang patutunguhan ng mga mag-aaral na papailalim sa programa dahil mas papaboran nito ang Labor Export Policy imbis na mabigyan ng disenteng trabaho sa Pilipinas.

May 9, 2015

Save Mary Jane Movement: Tagumpay ang sama-samang pagkilos ng mamamayan

Panayam ng Kodao Productions kay Cristina Palabay pangkalahatang kalihim ng Karapatan hinggil sa pansamantalang pagtigil ng execution ng pamahalaang Indonesia kay Mary Jane Veloso.

Quezon City, Philippines
April 29, 2015

Kandila para kay Mary Jane

Nagsindi at nagtirik ng kandila ang iba’t ibang grupo sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan noong Lunes bilang simbolo ng protesta sa nakatakdang pagbitay kay Mary Jane Veloso, Overseas Filipino Worker na biktima ng illegal drug syndicate sa bansang Indonesia.

Nananawagan din ang iba’t ibang grupo sa mga mamamayang Pilipino na huwag palagpasin ang kapabayaan ng gubyerno sa kaso ng mga OFW.

Sa kanyang limang taon bilang Presidente halos ibugaw umano ni Noynoy Aquino ang mga Pilipino palabas ng bansa. Mula 4,500 na Pilipinong lumalabas ng bansa noong umupo si Aquino sa Palasyo, 6,092 na ang migranteng manggagawa ang lumilipad araw-araw. Umaabot na rin sa 12 hanggang13 milyong Pilipino ang nasa ibayong dagat upang makipagsapalaran. Katumbas ito ng 30 porsyento ng lakas-paggawa ng Pilipinas.

St. Peter Parish Church
Coomonwealth Avenue, Quezon City
April 27, 2015

Migrante Int’l explains why Mary Jane got last minute reprieve

The organization that led the worldwide campaign to save the life of Mary Jane Veloso explains how the Filipina on death row got a last minute reprieve from the Indonesian government last night.

Veloso was the only one spared in Indonesia’s mass execution of one local and eight foreigners convicted of drug possession and trafficking. The executions happened at around midnight at a prison island in Indonesia.

In this video, Migrante International secretary general Sol Pillas gives credit to Veloso’s private Filipino lawyers, Indonesian attorneys, the international migrant community, the Filipino people and even boxing great Manny Pacquiao for the reprieve.

Manila, Philippines
April 29, 2015

Saving Mary Jane Veloso

Militant groups led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) trooped to the Indonesian embassy in the Philippines and kept vigil to save the life of Mary Jane Veloso wrongly convicted and sentenced to death on drug charges. The execution was stayed at the last minute thanks to the support of migrant workers and peoples from at least 120 countries. Migrante International and the Philippines Chapter of the International League of Peoples’ Struggle (ILPS-Phils) were among those who initiated calls for the campaign.

Indonesian Embassy
Makati City, Philippines
April 28, 2015

Celebrating NDF@42

Highlights of the the 42nd anniversary of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) celebrated at the U.P. Bahay ng Alumni on April 25, 2015. NDFP international representatives Louie Jalandoni and Coni Ledesma led the event signifying the growing local and global mass support for the Philippine revolutionary movement.