Pagpapalitaw kina Dexter at Bazoo, hiling ng mga kaanak sa militar at pulis

Nanawagan ang mga kaanak nila Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil ‘Bazoo’ De Jesus na ilitaw sila matapos dukutin noong Abril 28, 2023 sa Taytay Rizal. Giit ng mga kaanak na nangangamba sila sa kaligtasan ng dalawa matapos bigong hanapin sa kampo ng mga pulis at militar nitong mga nagdaang araw.

Sina Capuyan at De Jesus ay mga aktibista at dating mag-aaral ng University of the Philippines-Baguio. Sila ngayon ang ika-pito at ika-walong biktima ng enforced disappearances sa administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr.