Ni George T. Calaor
ang mga bulwagang marmol nito
ay kikislap
hindi sa ngalan
ng batas
kundi sa sebo
ng kompromiso
at sa pabango
ng pagtataksil.
Doon…
sa ilalim
ng mga chandelier
na pinataba
ng buwis
ng mamamayan…
ang mga lobo
ay naka-barong
at tinatawag
ang sarili na
mga mambabatas.
Nagsasalita sila
tungkol sa konstitusyon
habang ibinabaon
ang katotohanan
sa hukay ng mga teknikalidad
at pamamaluktot
sa katarungan.
Iniunat nila
ang batas
na parang goma
hanggang
kaya nitong
pumulupot
sa leeg ng
mga maralita
ngunit kusang lumuluwag
para sa
mga tirano…
mga heneral…
mga mandarambong…
at mga berdugo
ng bayan.
Sa labas…
kapag ang gutom
ay nagnakaw
ng tinapay
ay agad
nababansot
sa masisikip
na selda.
Ang tinderong
walang permit
ay mistulang mababang uri ng hayop—kinakaladkad sa alikabok
at kahihiyan.
Ang magsasakang
ipinagtanggol
ang lupa…
ang manggagawang
humingi ng nakabubuhay
na sahod…
ang estudyanteng
nangahas magsalita
para sa katotohanan
at hustisya—silang lahat!…
ay inuusig sa bilis
ng mga bala
ngunit sa loob
ng Senado…
ang mga mamamatay-tao
ay dumarating
na nakangiti…
ang mga magnanakaw
ay sinasalubong
ng palakpakan…
at ang mga arkitekto
ng masaker
ay komportableng
nakaupo
sa mga silyang balat
habang humihingi
ng due process
na ipinagkait nila
sa libo-libong buhay.
Nasaan
ang kanilang konsensya noong ang mga eskinita
ay umaagos
sa dugo?
Nasaan ang kanilang paggalang
sa batas
noong lumuluhod
ang mga magulang
sa tabi
ng malamig
na bangkay ng kanilang mga anak…
noong natutong
kilalanin
ng mga bata
ang kanilang ama’t ina
sa loob
ng kabaong?
Ngayon…
nagtatago sila
sa likod ng mga teknikalidad
na parang
mga daga
sa likod
ng mga pader
ng palasyo.
Ngayon
binibigkas nila
ang demokrasya
matapos nila itong
buong pagkabalasubas na sakalin
sa loob
ng maraming taon
at ang Senado…
sa halip
na maging hukuman
ay nagiging kuta…
sa halip
na bulwagan
ng pananagutan
ay nagiging kumbento
ng mga pinunong
naghuhugas
ng kamay
gamit ang gramatika
ng parlyamento.
Ngunit ang kasaysayan
ay matiyaga.
Natutunan
ng sambayanan
kung paano umalingasaw
ang pagkukunwari.
Naririnig ito
ng mga manggagawa
sa bawat kalatog
ng walang lamang pinggan.
Nakikita ito
ng mga magsasaka
sa bawat ektaryang
ganid at pasistang kinakamkam.
Binibitbit ito
ng maralita
na parang apoy
sa loob
ng kanilang mga tadyang.
Maaalala
ng mga lansangan
ang sarili nilang lakas
at ang katahimikang
ipinataw
sa masa
ay dadagundong
na kulog.
At darating
ang araw…
na walang pader
ng Senado
ang magiging sapat
ang kapal…
walang kalasag pampulitikang
magiging sapat
ang lawak…
walang dinastiya
ang magiging sapat ang kapangyarihan…
upang pigilan
ang yabag
ng nagising
na sambayanan.
Sapagkat kapag
ang hustisya
na kay laon
nang buong sikil na ipinagkait…
ay magiging
kalayaang
rumaragasa…
isang bayang
buong sigwang
mag-aaklas!
- ••••••••••
When Senate Becomes Sanctuary of Criminals…
its marble halls
no longer shine
with law
but with
the grease
of compromise
and the perfume
of betrayal.
There
beneath chandeliers
fattened
by people’s taxes…
the wolves
wear barong
and call themselves
statesmen.
They speak
of constitution
while burying
truth beneath procedure.
They stretch
the law
like rubber
until it can wrap
around the necks
of the poor
yet loosen itself
for tyrants,
generals,
plunderers,
and butchers
of the nation.
Outside…
the hungry
who stole bread
wastes away
inside the
crowded cells.
The vendor
without permit
is dragged
like an animal
through dust
and humiliation.
The peasant
who defended land…
the worker
who demanded wage..
the student
who dared speak for truth and justice…
all are hunted
with the speed
of bullets.
But inside
the Senate…
murderers arrive smiling and
thieves are escorted by applause.
Architects
of mass graves
sit comfortably
upon leather chairs asking
for due process
they denied
to thousands.
Where was
their mercy
when alleyways
ran red
with blood?
Where was
their respect
for law
when parents
knelt beside
cold bodies…
when children
learned
to recognize
their fathers–mothers
inside coffins?
Now they hide
behind technicalities
like rats
behind palace walls.
Now they invoke
democracy
after strangling
it for years
and the Senate…
instead of tribunal
becomes fortress…
instead of chamber of accountability
becomes convent
of leaders rinsing massacre with parliamentary grammar.
But history
is patient.
The people
are learning
how hypocrisy
stinks.
The workers
hear it in every empty plate.
The farmers
see it in every stolen hectare.
The poor carry it
like fire inside their ribs.
The streets
will remember
their strength.
The silence
forced upon
the masses
will rupture
like thunder.
And soon…
no Senate wall
will be thick enough…
no immunity
wide enough…
no dynasty
powerful enough…
to stop the footsteps of the awakened people.
For when justice
is denied
too long…
Freedom revolts!








