Ni George T.  Calaor

 

Hindi ka nawala

sa tahimik na pasilyo

ng teorya…

 

hindi ka nalusaw

sa mga talababa

at makikinis na sipi…

 

Lumabas ka.

 

Lumabas sa silid

kung saan pinag-uusapan

ang katotohanan

na kailangang ipaglaban—tumawid

patungo sa mga bukid

kung saan may pangalan

ang gutom…

 

kung saan ang lupa

ay may alaala ng bawat kinamkam na ani.

 

Tinawag nila itong rebelyon ngunit

para sa amin…

ito ay alaalang

natutong lumaban.

 

Sa naratibo ng mga

malalapit sa iyo…

 

ikaw ay payat, tahimik,

at maingat ang pananalita—mas sanay makinig kaysa mag-ingay—pinipili ang mas mahirap na wika—ang ikahon ang pag-ibig

sa gramatika

ng panganib.

 

Walang sigaw para

sa palabas…

walang dula para

sa palakpak

kundi ang mabagal

at mapanganib

na gawain ng pagtindig

sa tabi ng mga ibinabaon

ng kasaysayan

nang buhay pa.

 

Sasagutin ka

ng mga baril

gaya ng lagi

nilang ginagawa

sa mga tumatangging manahimik—akala nila

ang pagbagsak

ng katawan

ay katapusan ng pangungusap.

 

Ngunit ikaw ay

hindi tuldok—ikaw ay liyab sa gitna

ng tagtuyot.

 

Ang iyong pangalan

ay uusalin hindi lamang sa pagdadalamhati

kundi panawagan

 

at kaming mga naiwan

sa mga ligtas na silid

ay kailangang sumagot…

 

ano ang dunong

kung hindi

tumatawid

sa lansangan?

 

Ano ang pag-ibig

kung takot ang kapalit?

 

Ginawa mong imposible

ang magbulag-bulagan

kaya isinusulat ka namin

hindi bilang pagluluksa

kundi bilang hanay

ng martsa—mga kamaong nakataas

at buong tatag na tumututol/na kalimutan

ang iyong pinatunayan…

 

na ang pinakamaikling buhay ay may pinakamahabang alingawngaw

kapag ito ay piniling ihandog sa sambayanan

sa ngalan ng kalayaan.

 

Sapagkat ang mga pinaslang ay hindi natutulog—sila ay bumabangon

sa mga kamao

ng nabubuhay…

 

sa mga hakbang

na tumatangging umurong…

 

sa mga tinig na hindi kayang busalan

ng pasismong pananakot.

 

Ang hustisya

ay hindi dasal

bagkus ito ay

bagyong binubuo

ng mga nag-aalsa.

 

  • ••••••••••

 

The Grammar of Risk

 

You did not vanish

in the quiet corridors

of theory—between footnotes and

polished citations.

 

You walked through.

 

Out of the classroom

carrying the truth

into the fields where hunger has a name

and where land remembers every

stolen season.

 

They called it rebellion

but for us it is a memory

learning to fight back.

 

Who would have thought

that with your

thin frame, careful words and eyes

that listened longer

than they spoke…

 

you would choose

the harder grammar

to conjugate love

in the language of risk.

 

No slogans shouted

for spectacle…

no theatrics

for applause…

only the slow

dangerous work

of standing beside

those history

buries alive.

 

And when the guns

answered you

as they always do

to those who

refuse silence

 

they thought

a body falling

was the end

of a sentence.

 

But you are not a period.

 

You are a spark caught in dry season.

 

Now your name

is whispered not

as mourning alone

but as a call

to be answered

by those who

stayed in safer rooms.

 

What is knowledge

if it does not cross

the street?

 

What is love

if it fears

consequence?

 

You have made it

impossible

to ignore

 

so we write you

not in elegy

but in marching lines

in clenched fists

refusing to forget

what you have

already proven…

 

the shortest life

can be the longest echo

when it is lived

in service of the people,

in the name

of freedom.

 

For the slain are planted

and they rise in the clenched fists

of the living…

 

in footsteps that

know no retreat

 

in voices that

cannot be silenced.

 

Justice is not

a mournful prayer.

 

It is the storm

we are forging.