Talumpati sa Bahain ang Luneta 2.0 (Nobyembre 30, 2025)
Ni Bibeth Orteza / Chairperson, Concerned Artists of the Philippines
NARITO PO AKO para basahin ang liham ni Gina Alajar, artista at director, liham na kumakatawan din sa lahat ng mga artista, direktor, at mga ordinaryong Pilipino.
“Alam n’yo po, every year, when tax season comes, I go through the same inner struggle. Hindi ko po ikakaila — masakit magbayad ng buwis kapag paulit-ulit nating naririnig ang mga kwento ng nakawan, pangungurakot, at paglustay sa pera ng bayan.
“This year, habang pinipirmahan ko ang cheque ko para sa income tax, tinanong ko sa aking sarili: ‘What if I don’t pay? Bakit pa ako magbabayad kung ninanakaw lang naman?’ At ang sagot ko — and I’m sure marami sa inyong nag-iisip ng ganito — ‘Sa halip na nakawin lang nila, mabuti pang gastusin ko na lang ang pera sa sarili ko.’ Tama ba ako?
“Pero in the end, nagbayad pa rin ako. Not because I trust the system, but because natakot ako. Baka kasuhan ako ng BIR. And that in itself is a painful truth — sumusunod tayo sa rules pero ‘yung mga nagnanakaw ng bilyones, silang mga korap, wala silang takot na gumawa ng bawal. They walk free, smile for the cameras, and run for office na para bang ok lang ang lahat.
“Kaya narito ako ngayon para magsabi nang malinaw: we need real transparency, real accountability, real justice. Hindi puwedeng kwento-kwento lang. Hindi puwedeng press release lang. Those who are guilty — no matter how powerful, no matter how connected — deserve to be jailed for life. And every peso they stole must be returned to the national treasury.
“Hindi naman ako humihingi ng milagro. Ang gusto ko lang ay isang gobyerno na may respeto sa tulad kong nagtatrabaho ng husto, who pay their taxes, who follow the law. A government that understands na ang pera ng bayan ay hindi pondo ng iilang pamilya — ito ay dugo at pawis ng sambayanang Pilipino.
“I speak today not as a celebrity, but as a taxpayer — as someone who loves this country and wants to believe again.
“Sana dumating ang araw na hindi na ako magiging conflicted sa tuwing magbabayad ako ng buwis. Sana dumating ang araw na masasabi ko: ‘My taxes are building something good. My taxes are helping someone. My taxes are safe.’ Ang buwis ko, ay hindi buwisit!
“Mangyayari lang ‘yan kung ang totoo ay ilalabas, ang walang sala ay mapapawalang-sala, at ang tunay na may sala — mula baba hanggang taas — ay mananagot.”
Heto naman po ang isang maikling tula na sinulat ng isa sa ating mga National Artists, si Ginoong Rio Alma.
BINABAHA
Bumabahâ ang pighati sa tambak na plastik at bakal,
Bumabahâ ang luha sa kabaong ng kapabayaan,
Bumabahâ ang sisi sa naglahòng inhenyero’t kontraktor,
Bumabahâ ang alak sa bulwagan ng korupsiyon,
Bumabahâ ang ayuda sa wasák na mga dampa,
Bumabahâ ang kamandag mula sa dila ng nadusta,
Bumabahâ patí sa bútas na pugad ng dagâ’t ahas,
Bumabahâ hanggang sa mansiyon at pekeng Las Vegas,
Bumabahâ ang talumpati’t laway sa mikropono
Bumabahâ ang pangakong lilinisin ang ilog, imbornal, at estero
Paghupà ng mga bahâ.
–3 Agosto 2025
Ito naman ang aking dagdag sa tula ni Rio Alma:
Bahain natin sila ng ating galit
Bahain natin sila ng ating pagtutol—
Mga putang-ina n’yo, kami ang tunay na baha!







