TAMBAYAN Ep 3: Kumusta na sina Jhed at Jonila?

Sa pinakahuling episode ng Tambayan ngayong tinaguriang ‘International Day of Climate Action’, kumustahin natin ang dalawang environmental defenders na sina Jhed Tamano at Jonila Castro. Kamakailan lang ay kinasuhan sila ng Department of National Defense ng perjury kaugnay ng paglalantad nila ng pagdukot sa kanila ng mga militar.