Lanzones at Mangosteen (o sa pitong kabataang Tausug)

Ni Pia Montalban Nanlalagkit ang dagta, kahit anong tamis ng kabataang hinog at di huhulas ang lilang lamog mula sa mga nilagusan ng pulbura’t tingga. Pitong bungang pinitas, dagta’y pula ang tagas… Pitong kabataang mag-uuma yakap-yakap mga kahon ng bunga, ngayo’y ikakahon silang terorista— A-bu sa-yaff! Ngunit gumugulong sa kalsada ang nabitawang mga […]
PISO LANG ANG LAYO NATIN

Ni Jess Manuel Santiago Piso ang layo natin sa isa’t isa kuwarenta’y singko hanggang Monumento Monumento hanggang Cubao, trenta’y singko bente naman mula Cubao hanggang sa inyo Dalawang piso, sabihin pa, kung babalikan. Piso lamang ang layo mo sa akin Pero ito’y kahapon pa, Tumaas na ang pasahe’t gayon pa rin ang gana ko […]
Pampalasa, Pampa-ALSA

ni Rene Boy Abiva Sa bayang mayaman sa utang at pait, pambulag ang artipisyal na linamnam at tamis upang ang mga karaniwang sikmura’y ‘di mag-alsa. Matamis na pampalasa ang humulma sa kabataan ni Ignas Dungrit na iiyak-iyak kung ‘di magkukulay dugo ang prinitong itlog ng manok o tinapa sa kanyang plato, dahilan upang […]
Kay Buboy

(Para sa isang kaibigan, kasama, bayani, martir at sa lahat ng tulad niyang inialay ang sarili para sa sambayanan. @49) Ni Nonoy Espina ni hindi ka ulirang kasama buboy mapusok, marupok madaling maligaw ang pag-iisip at hakbang gayunpama’y daig mo pa ang mga henyong hunghang na nasilaw sa sariling talino at inakalang sa aminado […]