Mayroong mga organisasyong pang-magsasaka ang tumatalima sa programang United Nations Decade of Family Farming. Subalit ang tagumpay ng programang ito ay nakasalalay din kung paano ito ipinatutupad ng pamahalaan. Sa episode na ito ng ating serye, pakinggan natin ang panayam kay Lani Jimenez ng Agricooph kung tama ba na tanging mga kinikilala lamang nilang organisasyon at kooperatiba ang binibigyan ng suporta? At saan napupunta ang bilyon-bilyong pondo ng gubyerno na dapat sana ay napapakinabangan ng magsasaka?








