ACT Teachers: K to12, Kinalburo
Naglunsad ng kilos-protesta ang iba’t ibang organisasyon ng mga kabataang estudyante at mga guro sa pangunguna ng ACT Teachers Party List para tutulan ang programa sa edukasyon na K-12 ng pamahalaang Aquino. Sila ay nagdaos ng programa sa harap ng Malakañang para ipahayag ang mariing pagtutol at pagkundena sa wala sa panahong programang K-12 na ayon sa kanila ay “hinog sa pilit”.
Ayon sa grupo dapat lamang na ibasura ang K-12 sapagkat minadali o kinalburo ang pagpapatupad ng naturang programa. Maraming isyu ang anila ay mas dapat tutukan ng pamahalaan gaya ng kakulangan sa silid-aralan, kakulangan sa guro at mismong kasanayan ng mga guro ay hindi pa naitataas ang antas upang umangkop sa K to 12.
Mendiola, Manila
June 1, 2015