Images

‘Government made financial aid to workers even more inaccessible’

“Where is government when workers need financial aid? DOLE was able to provide assistance to only less than 300,000 workers when millions of workers are displaced in Luzon alone. The government made financial aid to workers even more inaccessible after it stopped receiving applications for CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program).”

‘The potential for abuse is high’

“The current COVID19 crisis is a health issue with far-reaching social implications. It should not be treated as a mere peace and order problem where enforcement is the main concern. The potential for abuse is high if Martial Law-type enforcement is implemented.”

‘Finance department is still oblivious’

“The Philippines is in the worst public health crisis in its history. Yet the finance department is still oblivious and prioritizes “[honoring] financial obligations”, “investor confidence”, and a warped notion of being a “credible and responsible borrower”.

‘Walang makikinabang, lahat talo’

“Kung i-e-employ ang mga healthcare workers, siguradong may makikinabang, siguradong may matutulungan, dito man o sa ibang bansa. Kung itetengga sila rito pero hindi naman i-ha-hire ng gobyerno, walang makikinabang, lahat talo.”

‘Nauubos na rin yung aking puhunan’

“Nauubos na rin yung aking puhunan. Dati, namumuhunan, utang pa, bumbay pa, 5-6 pa. Ngayon, wala kaming gaanong tinda. Sisingilin ka pa ng kung anu-anong kautangan mo riyan. Kaya mahirap din po sa kasalukuyan ang nagaganap sa atin.”

‘Maawa na kayo dito sa San Roque dos’

“Maawa na kayo dito sa San Roque dos, simula nung nagbigayan dito wala pang nakakarating sa amin kahit isa. Kahapon may dumating na isang truck at dalawang ambulansya na may laman na pinamimigay na bigas ngunit dun lang sa looban tapos dito walang nakarating. Ang sabi babahay-bahayin kaya pinauwi kami. Naghintay kami hanggang gabi ngunit walang hiya, nakatulog nalang kami. Walang nakarating na repack (relief) na galing sa kanila.”

‘Libreng serbisyo para sa mamamayan’

“Posibleng tumaas pa ang mga kaso ng nagkakasakit. Pero ang dapat masigurado ng ating gobyerno ay ang libreng serbisyo para sa mamamayan. Imbes na pagtaguin sila, dapat ay magpatingin at malaman nila na libre ang pagpapagamot. Hindi na nila dapat isipin saan kukuha ng pambayad sa mga ospital. Kailangan din natin malaman yung tunay na kalagayan ng ating bansa lalo na dumadami yung naitatalang kaso ng COVID-19. “

‘Ang kalaban natin ay virus’

“Ang kalaban natin ay virus… Kailangan marami ang mga doktor, nurse, health workers na gumagabay at nangunguna sa atin. Ang kailangan natin ngayon ay sistematiko para tiyak ang kaligtasan ng mamamayan… Hindi po ‘yan masasagot ng deployment ng pulis at militar.”

‘Hindi lakas kundi kahinaan’

Hinggil sa pag-aresto sa mga sibilyan sa Bacolod: “Hindi pagpapakita ng lakas kundi kahinaan at desperasyon ng gubyernong Duterte itong ginagawa niya.”–Satur Ocampo, Bayan Muna