‘Magpalaya na ng mga nakakulong’
“Nanawagan na ang United Nations na upang maiwasan ang higit pang delubyo na maaring idulot ng COVID-19, magpalaya na ng mga nakakulong. Palayain na yung matatanda, may sakit, low-risk offenders, kabilang dito ang mga bilanggong politikal sa bansa. Ayon sa BJMP, noong October 2019, umabot na ng 450% yung congestion rate o 380 out of 467 jails ay congested o siksikan. Sa kasalukuyan, merong 609 na bilanggong pulitikal sa bansa. 63 dyan may sakit, 47 mga matatanda na, 100 ay mga kababaihan. Huwag na nating hintayin pa na madagdagan ang bilang nila.”
Roneo “Jigs” Clamor
Deputy Secretary General, KARAPATAN
Carlo Francisco