Children in the Time of War

By George T. Calaor

 

On the sand

of their

shattered homes…

 

children play rehearsing

the burial of tomorrow…

 

a doll laid still

in a coffin of sticks…

 

and the wind wails

like a grieving mother.

 

Above them…

no birds cross the sky—

only the iron rain

of empire.

 

While children play

in Gaza…

 

the earth convulses

in Iran and Lebanon…

 

the furnace of war

is hammered

by distant hands

in marble halls…

 

and with every

falling missile…

 

another toy

becomes a relic

of grief.

 

No longer do

they play “house”—

they rehearse

the burial

of tomorrow.

 

Dolls are wrapped

like fallen siblings…

 

names whispered

into dust…

 

for wars decreed

by powerful men…

 

who have never

tasted a child’s tears.

 

From Iran to Gaza

across West Asia…

 

sirens become

the music

of morning…

 

cities crumble

into ash…

 

schools marked

as targets…

 

and in each

shattered classroom…

 

the alphabet of hope

is erased by fire.

 

But from

these games

of death…

 

anger grows

in small clenched fists…

 

their crying hardens

into a summons…

 

their silence

sharpens into

thunder.

 

For even children

learn resistance

when their future

is turned into rubble.

 

And one dawn

crimson with

uprising…

 

these children

will no longer

bury dolls—

they will lift

the earth

from ashes

and rebuild

a world against war…

 

and empire

will shatter

like a toy

in the hands

of a people risen…

 

classless with liberty!

 

=========

 

Mga Bata Sa Panahon Ng Digma

 

Ni George T. Calaor

 

Sa buhangin

ng gumuho

nilang tahanan…

 

mga bata’y naglalaro

ng libing-libingan…

 

manika ang bangkay…

 

patpat ang kabaong…

 

at ang hangin

ang umiiyak na ina.

 

Sa kalangitan…

hindi ibon

ang dumaraan

kundi bakal

na ulan ng imperyo.

 

Habang naglalaro

ang mga bata sa Gaza…

 

sumasabog ang lupa

sa Iran at Lebanon…

 

ang apoy

ng gera ay

pinapanday

ng kamay

ng Washington

at Tel Aviv…

 

at sa bawat putok

ng misil…

 

may mga laruan

na naman na

nagiging alaala.

 

Hindi na “bahay-bahayan”

ang kanilang laro

kundi “libing-libingan”

ng hinaharap…

 

ang mga manika

ay niluluksaan

na parang

mga kapatid

na nawawala

dahil sa digmaang

ipinataw ng mga

imperyalista na

hindi kailanman

nakaririnig

ng iyak ng mga bata.

 

Sa Iran, sa Gaza

at sa buong

Kanlurang Asya…

 

umiikot ang mundo

sa tunog ng sirena…

 

mga lungsod ay

ginagawang abo…

 

mga paaralan ay

ginagawang target…

 

at sa bawat guho

ng silid-aralan

nabubura ang

alpabeto ng pag-asa.

 

Ngunit sa mga larong ito

ng kamatayan…

 

may tumutubong galit

sa maliliit na kamao…

 

ang kanilang pag-iyak

ay nagiging panawagan…

 

ang kanilang katahimikan

ay nagiging sigaw…

 

sapagkat kahit

ang bata ay

natututong lumaban…

 

kapag ginawang laruan

ang kanilang kinabukasan.

 

At balang araw

sa pagsiklab

ng bukang-liwayway…

 

ang mga batang ito

ay hindi na maglalaro

ng libing-libingan…

 

iaahon nila ang lupa

mula sa abo…

 

itatayo ang mundo

laban sa digma…

 

at ang imperyo ay

guguhong parang laruan

sa kamay ng mamamayang

muling babangon—

 

aahon ng walang uri

at lubos na malaya!