Boracay

Ni George Tumaob Calaor

 

naghasik ka ng dahas at nilukob ng takot

yaring isla ng aking pangarap at yaong

pangarap

para sa aking mga supling

ay naging bangungot

sa karimlang aninag ay

hindik sa kanilang

kinabukasan.

 

yaong buhanging dati’y napakadalisay kay

pino at puti

buhanging kumakastilyo sa masagana naming

pamumuhay

buhanging sanay tumatawid sa aking mga

mahal tungong biyaya ng buhay

ngayon ay kinuwadrahan mo sa ganid ng

sakim at ginawang bihag ng pasismo

napaligiran ng mga aso mong bayaran—

gwardyadong-gwardyado

na tulad mong garapal na barbaro, kay

yabang pilit na itinataas pulburado mong noo!

 

ngunit huwag ka’t walang kinilalang bakal na

kamao

ang galit na mga alon ng sa mga kakutsaba

mong dayo

buong bangis at tahasan mong ipinagkanulo

 

ibinulong na ng hangin sa karagatan

ang himutok ng bulkan sa dibdib

ng mga inalipusta mo

 

at di maglalaon…

 

delubyo kang ililibing

sa lunod ng kalaliman

nitong paraiso!

 

at laya sa kalawakan, silahis ay ginto!

 

at timawa ng pagkapantay

ay kawalan ng uring lipunang…

 

rebolusyon ang magtatayo!