Bakit mahina ang mga kooperatiba ng mga magsasaka?

Ang buwan ng Oktubre ay buwan ng magsasaka sa Pilipinas. Nagmula ito sa Presidential Decree 27 ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. noong 1972 na nagpapalaya umano sa mga manggagawang bukid mula sa pagka-alipin sa lupa.

Matapos ang kalahating siglo, lumaki pa ang bilang ng mga mahihirap na magbubukid. At bumalik na rin sa poder ang mga Marcos, patunay ng kabiguan ng mga pumalit na rehimen sa diktadura na palayain sa kahirapan ng sektor na nagpapakain sa taumbayan.

Sa pagpapatuloy ng ating serye ng podcast hinggil sa pagsasaka, ating kilalanin ang isang kaparaanan upang mai-ahon ang magbubukid sa kahirapan—ang kooperatibismo.