Kumusta ang mga organisasyon at kooperatiba ng magsasaka?

Daluyan ng ipinanganganlandakang serbisyo ng pamahalaan ang mga organisasyon at kooperatiba na kanilang kinikilala. Bukod sa kakarampot na pondo sa mga organisasyong ito, dito rin dumadaan ang iba pang porma ng tulong tulad ng binhi, abono, maging mga gamit-pansaka tulad ng kalaykay.

Pakinggan natin kung tunay nga bang may pakinabang ang ganitong modelo ng pagtulong sa pinaka-malaking sektor ng ating lipunan. Kung mayroon, makabuluhan nga ba ito sa ating hangarin na palakasin ang sektor na siyang nagpapakain sa atin.  Kumusta nga ba ang mga organisasyon at kooperatibang magsasaka?

Photo by P. Cahilog/Kodao