Mayroong mga samahan ng magsasaka sa Pilipinas na lumalahok sa mga programang tulad ng United Nations Decade of Family Farming na ipinapatupad din ng gubyerno ng Pilipinas. Inumpisahan ito ng 2019 at matatapos sa 2028. Layunin ito na ipatampok ang papel ng maliliit na magsasaka sa pagpawi ng kagutuman sa buong mundo.

Tinanong natin ang grupong PAKISAMA sa kanilang pagtingin kung nasaan na ang Pilipinas sa kalagitnaan ng programa. Paano ito ipinapatupad nitong mga nakaraang taon? Ano ang kanilang mga karanasan upang isulong ito? At ano ang kanilang mungkahi upang pasiglahin ang sektor?