Turismo o Pagsasaka?

Ipinapangalandakan ng San Miguel Corporation ang kanyang kasaysayan bilang isa sa pinaka-matanda at pinakamalaking negosyo sa Pilipinas. Maging ang kasalukuyan nitong tagapangulo at CEO ay ipinipintang magaling na negosyante.

Subalit may mga katutubo sa katimugang Palawan ang kalahating siglo nang nagdurusa sa pananakot at pang-aagaw ng kanilang ninunong lupain at baybayin dahil sa naturang kumpanya.

Pakinggan natin ang hinaing ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo ng Isla ng Bugsuk at ang kanilang pangarap na makabalik sa kanilang mala-paraisong tahanan.

Photo by PAKISAMA