TAMBAYAN: Kumusta ang mga magsasaka ng Hacienda Tinang isang taon matapos ang pag-aresto sa #Tinang83

Samahan ang Chairperson ng Altermidya at reporter/editor ng Kodao Productions na si Raymund B. Villanueva sa pilot episode ng TAMBAYAN, ang bagong programang podcast na, video pa.

Sa unang episode na ito, dinalaw natin ang tambayan ng mga magsasaka ng Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Kakatanggap lang nila ng dokumentong ipinagkakaloob na sa mga agrarian reform beneficiaries ang lupang kanilang sinasaka.

Kumusta na nga ba ang mga magsasaka sa Hacienda Tinang isang taon matapos ang marahas na pag-aresto sa #Tinang83 at ang inaasahang installation nila sa lupa?