Usapang siopao

Gaano man kasarap ang siopao, siomai at wanton noodles ng Kowloon House, mahirap lunukin na ang katas at sabaw na inihahain nito sa mga kostumer ay pawis at luha ng kanyang mga trabahante. Hindi na muna ako bibili ng anuman sa aming kalapit na Kowloon House hanggang hindi nabibigyang katarungan ang mga manggagawa.

Tagumpay ang welga!

“Sa ating matibay na pagkakaisa, naiguhit natin ang linya ng pagkakaiba sa pagitan ng pagkaalipin sa kapital at pagiging mga taong may dangal. Sa kabila ng di makataong sitwasyong pinagsadlakan sa atin ng ganid na kapitalista, ipinamalas natin ang isang mapagpasyang bigwas sa naghaharing sistema.”

Hinggil sa welga ng Nexperia workers

“Walang ibang intensyon ang kapitalista ng Nexperia kundi ang pumiga ng higit pang tubo sa hanay ninyo. Kailangan nating gamitin ang ating makasaysayang tungkulin, na malalabanan natin ang tanggalan at iba pang porma ng pagsasamantala sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, sama-samang pagkilos, ITIRIK NATIN ANG PINAKAMALAKAS NA WELGA NG NEXPERIA na magiging inspirasyon sa buong bansa.”

Ang Debate ng mga Pilosopo at si Pedro

Ano ba ito, sabi ni Pedro, na nakikinig sa mga pilosopo/Lalo pa ako sa kanilang sinasabi ay nalilito/Makauwi na nga sa aking pamilya at makapagpahinga/Dahil bukas dadalo pa ako sa isang malaking welga.