Ni Ibarra Banaag

Kung kukunsintihin niyo pa,

Kapag sinabi niyo na tama,

Kung bilib na bilib sa kanya,

Kailangan mo rin ‘pakonsulta.

Nakakahiya man na sabihin,

Isang laway na ubod-asim,

Na sa loob ng iyong sikmura,

Dapat mo nang alisin at isuka.

Kung nagpipikit ka ng mata,

Kung nagtatakip ng tainga,

Ang sintido kumo’y barado,

Pupurihin ang barumbado.

Ang ganitong tipo ng asal,

Kahit walang modo’t garapal,

Ilang libong taon nang isinuka,

Ugaling barbaro’t balahura.

Kaya ikaw, oo, ikaw talaga,

Ang susupil at magtatatwa.

Pero kung ikaw ay kakampi,

Magisip-isip ka ng mabuti.

Nobyembre 23, 2024