Video is one of Kodao’s core programs. Watch our newsreels, documentaries and livestreams here.

Lola, nananawagan ng tulong

Habang nagko-cover ang Kodao ng pag-aresto ng 18 na aktibista sa Barangay Central, Quezon City noong Biyernes, Mayo 1, lumapit ang isang lola at nakiusap na i-bidyo ang kanyang paghingi ng tulong.

Nais ni Lola Marietta “Nene” Benig ng tulong upang makabili ng kanyang gamot, partikular sa Department of Social Welfare and Development at sa Office of the Senior Citizens Affairs ng Lungsod Quezon. “Nais ko pa pong mabuhay,” ani Lola Nene.

Sa mga nais tumulong, siya ay nakatira sa No. 4, Maparaan Street, Barangay Central, Quezon City. Ang kanyang numero ay nasa dulo ng bidyo. (Bidyo ni Joseph Cuevas)

Bakit Kailangang Gunitain ang Araw ng Paggawa Kahit sa Gitna ng Pandemyang Corona?

Tuwing Mayo Uno, ginugunita ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ang paggunitang ito ay hindi lamang simpleng pagdiriwang o pag-alala. Ito rin ay isang mahalagang pagkakataon para sa uring manggagawa upang magpahayag ng paninindigan laban sa mapang-aping sistemang kapitalismo na nagsasamantala sa kanilang uri at yumuyurak sa kanilang karapatan.

Sabi nga, hindi mabubuo ang isang taon na walang Mayo 1, na kahalintulad ng hindi mabubuo ang isang produkto kung walang manggagawa.

Sa Pilipinas, taong 1903 nang unang gunitain ang Araw ng Paggawa na naganap sa Maynila. Pinangunahan ito ng Union Obrera Democratica de Filipinas, ang unang labor federation sa bansa. Dinaluhan ito ng daang libong manggagawa na nagmartsa mula Plaza Moriones sa Tondo patungong Malacanang para ipanawagan ang makataong kundisyon sa paggawa at pagwawakas ng imperyalismong Estados Unidos sa bansa.

Noong Abril 8, 1908 naman ay ang unang araw ng pagkilala sa Mayo Uno bilang isang national holiday matapos isabatas ito ng noo’y Philippine Assembly.

Sa pangunguna ng iba’t ibang pederasyon ng mga manggagawa, taon-taong nang ginugunita ito na nakapagpanalo ng maraming karapatan ng tinatamasa ng manggagawa ngayon. Kabilang dito ang walong-oras lamang na pagtatrabaho, dagdag na sahod at benepisyo, mas ligtas na lugar pagawaan, karapatang mag-unyon at magwelga, at marami pang iba.

Subalit simula Dekada Nubenta, pinauso ng mga tusong kapitalista ang kontraktwalisasyon. Lalo pang nanatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa at tinanggal ang maraming benepisyong pinagbusiwan ng dugo at pawis na ipanalo. Habang tumitindi ang krisis ng kapitalismo, lalong nagiging mabangis ang sistemang kanyang nilikha laban sa manggagawa.

Maging sa panahon na iba pang uri ng krisis, katulad ngayong nananalasa ang pandemya ng corona virus, ang manggagawa pa rin ang una sa mga napapabayaan at inaapi. Milyong manggagawang Pilipino ang nawawalan ng hanapbuhay na wala namang inaasahang tulong para sa kanilang lahat.

Kung kaya, ngayong taon, sa kabila ng lockdown, ay marapat na militanteng gunitain ang ika-117 taon ng Araw ng Paggawa. Sa kauna-unahang pagkakataon, ipagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Pilipinas sa pamamagitan ng online.

Giyera, batas militar, pandemya, hindi papipigil ang militanteng manggagawang Pilipino na manindigan at ipaglaban ang isang lipunang makatarungan, na ang manggagawa ang siyang unang makikinabang bilang tagapaglikha ng yaman at ng kasaysayan. #


Iskrip ni Sanafe Marcelo
Boses ni Maricon Montajes
Edit ni Jo Maline Mamangun


Song: Funk Cool Groove by MusicToday80
Composed & Produced by: Anwar Amr
Video Link: https: youtu.be/FGzzBbYRjFY
Attribution 3.0 Unported (CC BY 3.0) https://creativecommons.org/licenses/…
Music provided by Free Vibes: https://goo.gl/NkGhTg

Ayuda para sa mga drayber, hiniling sa isang pagkilos

Isang maiksing pagkilos ang isinagawa ng mga drayber sa araw mismo ng paggawa sa isang barangay sa Quezon City. Ito ay para manawagan ng ayuda mula sa pamahalaan.

Simula nang ipataw ang lockdown ay hindi pa sila nakakakuha ng tulong kagaya ng Social Amelioration Program. Nagtatanong ang mga drayber na may-ari ng sarili nilang mga sasakyan kung kasali ba sila sa dapat mabigyan ng tulong dahil nawalan din sila ng hanapbuhay dahil sa lockdown. # (Bidyo ni Joseph Cuevas/ Kodao)

COVID: Distressed OFWs in Saudi Arabia seek PH gov’t help

A group of distressed female overseas Filipino workers in Damman, Saudi Arabia is seeking the Philippine government’s help to be repatriated after their employer stopped paying for their salaries since the corona virus lockdown has been imposed in the Kingdom last March 17.

In a video sent to Kodao by a Migrante International member, the workers also asked for food and other relief items as they grapple with what they described as “very difficult conditions.”

In an online interview, the group said that since they have posted their first video online, their employer got angry with them and even tried to block donations of personal hygiene items sent them by concerned individuals.

The OFWs said they have been kept within the confines of their dormitory since the lockdown started.

The group said they were recruited in the Philippines by Mission Way Manpower Agency that said they would be working for the Al-Ajeer Recruitment Company that in turn deployed them to Noura Foundation for house-school-hospital cleaning duties.

They added that they also worry for their families in the Philippines who rely on their remittances especially during the coronavirus pandemic.

The distressed OFWs call on the Philippine Embassy in Saudi Arabia, the Department of Labor and Employment, the Overseas Workers Welfare Administration and the Philippine Overseas Labor Office for help.

“We are no longer safe here,” the group told Kodao. # (Report by Raymund B. Villanueva/Video subtitling by Jek Alcaraz/Video by the OFWs)

INDIVIDUALS AND GROUPS WHO WISH TO HELP AND CONTACT THE GROUP MAY CALL ANNALYN LABANON (0542588065) OR MARY JANE MARFIL (0591511439)

‘Tulong Guro’ sa panahon ng COVID lockdown

Habang nasa ika-anim na linggo na ang enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa Covid-19, marami sa mga Filipino ang higit nangangailangan ng tulong.

Ang ACT for People’s Health na pinangungunahan ng mga progresibong guro ay naglunsad ng “Tulong Guro” na ang layunin ay makapagbigay-tulong sa mga frontliner, laluna na sa mga health workers at mahihirap na pamayanan habang lockdown.

Background music: A life in a day Cinematic Folk Ambient Cinematic Sounds [KK No Copyright Music] / Bidyo nina Jola Diones-Mamangun, Arrem Alcaraz at Joseph Cuevas

BM: Kasiyahan sa likod ng paglilingkod

Dumating kahapon, Abril 20, ang ika-limang batch ng mga gulay mula sa Benguet. Mabilis itong nirepack ng mga volunteers ng Bayang Matulungin sa kanilang opisina sa Quezon City.

Ayon kay Tatay Louie, isa sa mga volunteers, masaya at nakakawala ng pagod ang pagbabalot ng mga gulay sapagkat marami ang matutulungan nito. Dagdag pa niya, hindi raw kayang tumbasan ng anumang salapi ang kanilang kasiyahang nadarama.

Ipinamagi ang mga ito sa mga barangay sa Quezon City kasama rin ang Caloocan at Maynila. Kabilang sa mga napamahigaan ay ang Brgy. 181, Caloocan City, Maisan, Sampaloc, Manila, at Brgy. Old Balara, Brgy. Payatas, Brgy. Tatalon, at Brgy. Pansol sa Quezon City.

Bidyo nina Jo Maline Mamangun, Jola Diones-Mamangun, at Reggie Mamangun

Bayan Muna, namamahagi ng tulong sa mga apektado ng lockdown

Naglunsad ang Bayan Muna Partylist ng programang “Bayang Matulungin” upang magpamahagi ng tulong sa mga pangunahing apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Sam Bautista ng Bayan Muna Partylist, halos lahat ng lungsod sa Metro Manila ay napamahaginan na nila ng relief goods, maging ang mga malalayo at karatig na lalawigan, gaya ng Mindoro, Laguna, Rizal at Nueva Ecija.

Nananawagan ang progresibong partido na pabilisin pa ng pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda sa mga mahihirap lalo na sa panahon ng kasalukuyang krisis.

Bidyo nina Jek Alcaraz, Joseph Cuevas, at Jola Diones-Mamangun

Background Music: “Awake” Energetic Cinematic Background Music for Videos – Best Background Music

Mga mamimili sa Krus na Ligas, nanawagan ng mass testing

Sa unang araw ng ipinangakong community-based mass testing para sa COVID-19, nagbitbit ng plakards ang ilang mamimili sa barangay Krus na Ligas.

Ilan sa mga panawagan ay ang kagyat na pagpapatupad ng mass testing, at tuloy-tuloy na pamamahagi ng ayuda.

Ayon sa Quezon City government, nakatakdang isalang ang 150 katao sa unang araw ng mass testing. Sa kasalukuyan, wala pa ring naitatalang positibong kaso ng COVID-19 ang barangay. # (Bidyo ni Maricon Montajes)

Si Lisa at ang mga Lumad na bakwit sa panahon ng enhanced community quarantine

Nakapanayan ng Kodao si Lisa, isang grade 10 student ng Salugpongan School. Kumusta siya at ang kanyang mga kasamang Lumad na bakwit sa panahon ng enhanced community quarantine? Panoorin ang bidyong ito.

Bidyo nina Maricon Montajes at Joseph Cuevas

Ang paglaya ng San Roque 21, mga bayani ng kanilang komunidad

Lumaya na ang San Roque 21, ang mga inaresto ng pulisya noong Abril 1 sa pag-aakalang nagdaos sila ng kilos protesta sa kahabaan ng EDSA, Quezon City.

Nang makabalik sa kanilang mga komunidad ay sinalubong sila ng mahihigpit na yakap at palakpak ng mga kaanak at kaibigan.

Bidyo ni Arrem Alcaraz