Images

‘Anong klase ang gobyernong Durterteng ito’

“Anong klase ang gobyernong Duterteng ito? May krisis sa kalusugan, may krisis sa ekonomiya, may krisis sa distance learning. Pero walang ginagawa ang gobyernong ito kundi ang Cha-Cha, ang terror-tagging, ang panunupil at panghuhuli [sa] katulad nila Teacher Chad, 25 na Lumad, at iba pang bilanggong politikal.”

‘State terrorism ito laban sa mga batang Pilipino’

“Sinasabi po nila (pulis) na itong mga bata (estudyanteng Lumad) ay ni rescue. State terrorism po ito laban sa mga batang Pilipino… Dahil sa track record ng Pamahalaang Duterte, kailanman hindi ito naging kakampi ng kabataang Pilipino. [Kaya naman] hindi po tayo makapapayag na magpatuloy ang ganitong pang-aabuso laban sa karapatan ng mga bata.”

‘Isiwalat ang modus operandi ng pekeng pagpapasuko ng PNP’

“Ipinapanawagan ng KMU na ilantad at labanan ng mga manggagawa ang ganitong aktibidad ng rehimeng Duterte at mga ahenteng militar at intelligence nito laban sa kilusang-paggawa. Nananawagan kami sa lahat ng biktima ng ganitong atake na ilahad ang kanilang mga kwento at isiwalat ang modus operandi ng pekeng pagpapasuko ng PNP.”

‘Instead of red-tagging, address the root causes of armed conflict’

“Let’s not forget the ‘2018 Red October’ plot. The Duterte regime is repeating its old and cheap narrative to hide its incompetence in handling the pandemic and economic issues. Instead of red-tagging these (18 SUCs) schools, address the root causes of armed conflict and heed the people’s demands.”

‘The killings in Tarlac are part of a pattern of abuse’

“The killings in Tarlac are not isolated incidents but are part of a pattern of abuse and impunity among the police, enabled by the current regime. From the drug war, war on critics, to quarantine enforcement, we reap the horrors today. #StopTheKillingsPH #EndPoliceBrutality”

‘The police are merely iterating their nanlaban narrative’

“There is simply no way that the elderly couple was even able to put up a resistance, let alone an armed one, against dozens of policemen armed with high-powered guns and artillery. Instead, as the narrative appears before us, the police are merely iterating their ‘nanlaban’ narrative to justify the tokhang-style murder of an elderly and sickly couple.”

‘Oceanagold has been running without a legal contract for years’

“Bakit pinoprotektahan ng pulis at gobyerno ang patuloy na operasyon ng minahan ng Oceanagold? Oceanagold has been running without a legal contract for more than a year. Their refusal to implement mandatory rehabilitation as mandated by law and contractual obligation has led to these worsened flooding and other disaster risks faced by the local communities.”

‘Mananatili kaming tapat na ang kabataan ang pag-asa ng bayan’

“Ang kabataan po ay patong-patong na ang mga umuusbong na suliranin dulot ng bagong learning set-up. Ang mga ito ang dapat na inuuna ng administrasyon sa gitna ng pandemya at mga sakuna, hindi ang mga walang-awa at mga malisyosong atake. Makakaasa kayo na patuloy na ipaglalaban ng kabataan at estudyante ang aming karapatan gayundin ang kapakanan ng sambayanan. Mananatili kaming tapat sa kasabihan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

‘Maling-mali ang paratang ng NTF-ELCAC na kami ay terorista’

“Maling-mali ang paratang ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at ibang opisyal publiko na kami ay terorista. Ito ay labag sa karapatang pantao, labag sa sinumpaang mandato ng gobyerno sa mamamayan. Ang ganitong pananakot at pagsiil ay pagpapahamak sa aming women’s rights advocates, at pagkakait sa kababaihan na nangangailangan ng tulong at pag-agapay.”