By George T. Calaor

 

The guns spoke first

but not the truth

for truth was buried

in fields long starved

of justice.

 

People’s heroes fell

where sugarcane

once grew sweet

 

now bitter

with the memory

of blood and silence.

 

Before the rifles

there was hunger.

 

A nation fenced

by haciendas

and hollow

promises

 

landless hands

tilling wealth

they will never own

 

while power feasts

behind walls

of law and steel.

 

Call it “encounter”

call it “security”

 

but words cannot bleach

the stain of grief

for every body tagged

and numbered

in reports

 

a mother counts

the cost

in sleepless

nights.

 

“This is the cycle

carved into our soil…”

 

Injustice breeds resistance

resistance meets the gun

 

villages are made

haven of terror…

the poor are

displaced….

 

and history reloads

for another generation.

 

But the earth of Negros

does not ask for war

 

it cries for land, for dignity

and for truth unchained

 

and until justice roots

deeper than fear…

 

this land will keep

remembering

and rising

in revolt.

 

  • •••••••••••

 

NEGROS: ANG LUPA AY HINDI NAKAKILIMOT

 

Nauna ang putok

hindi ang katotohanan

sapagkat ito ay ibinaon

sa lupang pinagkaitan

ng hustisya.

 

Mga bayani

ng mamamayan

bumagsak sa bukiring minsang nagpatamis

ng tubo—ngayon ay pinapait ng alaala

ng duguang katahimikan.

 

Bago ang mga riple

gutom ang naghahari.

 

Isang bayang binakuran ng asyenda at hungkag na pangako–mga kamay na naglilinang ng lupang hindi kanila–nag-aararo

ng kayamanang

hindi nila aanihin.

 

Kapangyarihan ay

despotiko at pasistang

namimihasa

 

dahas ay itinuring

bakal na batas.

 

Tawagin man nila itong

“engkwentro,”

“seguridad…”

 

hindi kayang takpan

ng salita ang hapdi

ng pagdadalamhati.

 

Sa bawat bilang

ng bangkay na ibinubuwal

 

may inang

naglalamay

sa gabing

walang hanggan

 

binabaybay ang dilim

na walang katiyakan.

 

Ito ang siklong

inukit sa ating lupa

 

ang ikinait

na katarungan

ay nagluluwal

ng paglaban…

at ang paglaban

ay salubungan

ng bala ng manunupil

at nagpapalaya.

 

Ang mga baryo ay

ginagawang pugad

ng takot at lagim

 

ang mga maralita

animoy mga pesteng

itinataboy at

pinatatahimik.

 

at ang kasaysayan

ay muling isinusulat

sa dugo ng susunod

na salinlahi.

 

Ngunit hindi digmaan

ang hinihingi

ng lupa ng Negros.

 

Hangad nito ay dangal

at mapagpalayang katotohanan.

 

At hangga’t ang hustisya

ay hindi nag-uugat

nang higit pa sa takot

 

ang lupang ito

ay hindi titigil…

 

hindi lilimot at

walang humpay

na babangon…

 

magrerebolusyon!