Ni Netoy Martizano
May magnanakaw na tinatanong ng isa ring magnanakaw,
Ang nagtatanong na magnanakaw, nanggagalaiti sa isang kapwa magnanakaw.
Hindi nila pinag-uusapan ang laki ng kanilang ninakaw
Ang pinag-uusapan nila ay kung paano sila nagnakaw.
Ang isang magnanakaw ay ngayon lang nabistong nagnakaw,
Ang nagtatanong na magnanakaw, mula’t simula ay sadyang magnanakaw.
Ang kaibhan lang nila, ang tinatanong na magnanakaw ay hindi malinis trumabaho,
Ang nagtatanong na magnanakaw hindi din malinis trumabaho, pero may tsapa sila bilang kasapi,
ng kapita-pitagang kongreso at senado.
Setyembre 1, 2025







