ITANONG MO KAY PROF: Podcast on the US war on terror (Part 4)

Panayam ng Kodao Productions kay Prof. Jose Maria Sison hinggil sa war on terror ng US.

February 17, 2015

5. Bakit po kaya sinasabing makapangyarihan ang US sa lahat ng mga bansa sa daigdig? Hindi po ba talaga maaaring tumutol ang isang bansa kung ayaw nila sa mga polisyang pang-ekonomiya na inilalako ng US sa kanila?

JMS: Makapangpayarihan ang US hindi lamang dahil sa monopolyo kapital nito kundi dahil sa malaking lakas militar nito, laluna ang kanyang hightech military equipment.

6. Madalas pong sangkot ang US sa mga gerang agresyon partikular sa ilang mga bansa sa Middle East, hindi po ba nauubos talaga ang kanyang mga gamit pandigma? Hindi po ba nagagalit ang mamamayang US sa ginagawa ng kanilang pamahalaan?

JMS: Ginagawang negosyo ng US ang paggawa ng mga military equipment at ginagamit nito ang mga kagamitan na ito para sa mga gerang agresyon para mangibabaw sa mga bansang may malaking likas yaman, laluna sa gas at langis. Pero magastos ang gera, masyadong magastos at itinataya ang kabang yaman ng bayan at buhay ng mga sundado. Sa agresyon ng US sa Irak at Afghanistan, naglustay ang US ng higit na 4 na trilyong dolyar at libu-libong buhay ng mga Amerikano. Kung gayon, nagagalit ang masang Amerikano sa paglustay sa malaking pera ng bayan at buhay ng mga Amerikano.

7. Maaari po ba kayong maghalimbawa ng bansang lumaban na sa US at nagwagi.

JMS: Lumaban sa US at nagwagi ang mga mamamayan ng Korea, Cuba, Byetnam, Kambodya at Laos.

(Photo from http://commons.wikimedia.org/)