Ilalabas ngayong umaga (hapon dito sa Pilipinas) ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa petisyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Narito ang siyam na dahilan kumbakit kumpiyansa ang may akda, abogado ng ilang nagsampa ng reklamo kay Duterte sa pandaigdigang korte, na mananatili sa kulungan ang nasasakdal.
Ni Atty. Kristina Conti / National Union of Peoples’ Lawyers
- Mayroong batayan para manatili syang nakakulong. Sa patakaran ng ICC, naglalabas ng warrant of arrest sa mga suspek na gumawa ng matitinding krimen na saklaw ng Rome Statute kapag nakikitang hindi yan magko-cooperate. Importanteng punto: hindi kinontest ng depensa ang reasonable basis to believe that he committed crimes against humanity. Ang basis ng request ay ang physical at mental health ni Duterte.
- Dahil sa matibay na factual at legal findings ng Pre-Trial Chamber, walang dahilan para baliktarin ang desisyon nila noong September na hindi i-grant ang interim release. Sa madaling salita, walang batayan para palayin si Duterte.
- Sa Article 58(1)(b) ng Rome Statute, may tatlong punto kung bakit kailangan ikulong ang isang tao: a) siguruhing sisipot sya sa hearing; b) siguruhing hindi nya hahadlangan o isasapanganib ang imbestigasyon o paglilitis; c) pigilin siya na gumawa o ipagpatuloy ang paggawa ng krimen na saklaw ng ICC. Sa pasya ng ICC Pre-Trial Chamber, walang kasiguruhan ang mga ito kung palalayain nila si Duterte ngayon.
- Habang ipinagpilipitan ni Duterte na “kidnapping” ang nangyari sa kanya, klaro na hindi nya tinatanggap ang proseso sa ICC. Inaatake nila ang legitimacy ng court at ng proceedings: Binanggit ni Sara sa publiko ang pagtakas kay Duterte noong July 19, 2025; sinasabing magka-kuntsaba ang Philippine government at ICC; sinasabi nila na may “fake witnesses” sa kaso; etc.
- Nasa poder, well-connected, at may pera si Duterte at mga kaanak niya kaya mataas ang tsansa na makakatakas sya. Malinaw sa mga desisyon ng ICC na kahit possibility lang, maituturing na flight risk si Duterte.
- May kakayahan AT may kasaysayan si Duterte ng paghadlang sa mga imbestigasyon patungkol sa DDS killings. Malaking banta sa mga biktima at witness ang paglaya ni Duterte. Ulit, kahit possibility lang, nakita ng Pre-Trial chamber na kaya at may kakayahan siya na pakialaman ang proseso.
- Fresh pa ang pangako ni Duterte na dadami ang mga mapapatay sa Davao kung maging mayor sya. Simabi niya ito nung QuadComm hearing noong November 13, 2024.
- Maski pa nakita ng Pre-Trial Chamber ang ilang medical report ni Duterte, wala naman silang nakitang dahilan para palayain siya on humanitarian grounds. Sa ganang ito, sinasabi sa atin ng Pre-Trial Chamber na mas mainam pa rin para kay Duterte na manatili sa loob ng kulungan (kung saan makaka-benefit siya sa universal health care ng Netherlands).
- Wala pang suspek o akusado sa ICC na nabigyan ng interim release sa mabigat na kasong crimes against humanity sa ganito kaaga sa proseso. Maingat ang korte na hindi maging exercise in futility ang anumang gagawin nito.
Nasaan ‘yung 1%? Well, malay natin, di ba? Atsaka kasi, sabi ng mga madre, “Only God is perfect and sure,” kaya wala kaming grade na 100% nung elementary. #







