‘Tama na ang pambabarat sa mamamayan’

“Tama na ang pambabarat sa mamamayan, habang laging buhos ang pondo sa militar at sa mga gyera ni Duterte. Unahin ang serbisyo gaya ng edukasyon, hindi pasismo sa pangunguna ng NTF-ELCAC. Unahin ang ayuda, hindi CHA-CHA. Ito ang giit ng mga guro at ng mamamayan, at ‘yan ang dapat tugunan ng gobyerno.”

‘Kalokohan ang P54.6-bilyon para sa retired military’

“Kalokohan ang P54.6-bilyon para sa retired military dahil hindi ito ang kagyat, at ang kailangang buhusan ng pondo ngayon ay ang produksyon ng pagkain at pag-angat sa lubog nang kalagayan ng mga maralitang sektor, laluna na ng mga magsasaka at nasa kanayunan. Bahagi na naman ito ng ‘Duterte Palpak’ dahil prayoridad na naman ang militar kaysa pagkain na pangunahing kailangan ng taumbayan.”

‘Malaking bagay ang suporta ng 33 Kongresista para sa P10K na ayuda’

“Malaking bagay ang suporta ng 33 na Kongresista para sa P10K na ayuda. Ito ay isusulong natin nang tuloy-tuloy para mapakinggan pa sa Kongreso. Kailangang ulit-ulitin ang panawagan na P10K ayuda para sa lahat, lalo na sa mga na-dislocate na mga manggagawa at OFW sa panahon ng pandemya.”