By George T. Calaor

 

Who could forget

Joel Abong–

a child carved

by hunger’s law

 

born where

sugarcane towers

over justice

and emptiness

pretends to be food.

 

In 1984–1985…

Negros was called

“rich land” but lived

as famine…

 

190,000 workers

stripped of bread

 

over a million

trapped in tiempo muerto

 

Three hundred fifty thousand children starved—not numbers

but futures broken

and Joel was among them—a name erased early by a system

that feeds on absence.

 

Monopolies ruled…

sugar became empire

and people

became waste

 

hunger is not

an incident

but design.

 

During Martial Law…

 

fear was cultivated

 

guns stood as guard

over haciendas

and the dead of Escalante

still whisper

 

order built on bullets

always consumes

the poor.

 

So why were they in Negros?

 

Because power drew

its maps there

and marked their bodies

for extraction.

 

Because Toboso

still burns on

the same coordinates…

 

nineteen lives were ruthlessly taken…

 

and six hundred thirty-three were

driven from home.

 

The land remembers

and it does not forgive

the machinery

of forgetting.

 

And if history

is a field plowed

by violence

 

memory then

is the seed

that breaks

the soil

season

after season

of death

 

until justice

and freedom

are not promised

but seized

by all.

 

•••••••••

 

Bakit Sila Nasa Negros

 

Sino ang makalilimot

kay Joel Abong…

 

isang batang hinubog

ng batas ng gutom

 

isinilang kung saan

ang tubuhan

ay nakatindig

higit pa sa katarungan

at ang kawalan

ang itinuturing

na pagkain.

 

Noong 1984–1985…

tinawag na “mayaman” ang Negros ngunit ito’y

hiyograpiya ng gutom

 

190,000 na manggagawa

ang inagawan

ng kabuhayan

mahigit isang milyon

ang ikinulong sa

tiempo muerto

 

Tatlong daan at limampung libong

mga bata ang nagutom—hindi lamang ito bilang

kundi mga

kinabukasang

winasak at si Joel

ay isa sa mga pangalan na maagang binura

ng sistemang sumadlak sa mamamayan

sa laksang kawalan.

 

Naghari ang mga monopolyo—ang asukal ay naging imperyo

at ang tao

ay ginawang basura

 

ang gutom

ay hindi insidente

kundi disenyo.

 

Sa ilalim ng

Batas Militar

itinanim ang takot

at mga baril ay

tangan ng

mga barbarong

suhulang tagapagbantay

sa mga asyenda

at ito ay multo

ng kahapong

patuloy na

ibinubulong

ng Escalante…

 

kaayusang itinataguyod sa bala na laging lumalamon sa

maralita.

 

Kaya bakit sila nasa Negros?

 

Sapagkat doon

iginuhit ng kapangyarihan

ang kartograpiya ng gutom…

 

sapagkat ang Toboso

ay patuloy na nagliliyab

labinsiyam ang pinaslang

anim na raan at tatlumpu’t tatlo

ang pinalayas

sa tahanan.

 

Naaalala ng lupa

at hindi nito pinatatawad

ang makina ng paglimot.

 

At kung ang kasaysayan

ay bukiring paulit-ulit

na inaararo

ng karahasan

 

ang alaala ang binhi

na patuloy na sisibol

sa bawat panahon

ng kamatayan.

 

Hanggang ang hustisya

at kalayaan

ay hindi lamang

ipinapangako

kundi inaagaw

ng sambayanan.