Welga inilunsad ng mga manggagawa ng Super 8

Inilunsad ng mga manggagawa ng Super 8 Warehouse ang kanilang welga sa Axis Road, Brgy. Kalawaan sa Pasig City noong Agosto 6 laban sa malawakang tanggalan sa kanilang kumpanya.

Itinayo nila ang welga dakong 7:00 ng umaga at lumahok ang 88 manggagawa.

Mariin nilang binatikos ang management na Matapat Service Cooperative na siyang pwersahang nagtanggal sa mga manggagawa.

Bukod dito, tinututulan din nila ang mahigpit na pamamalakad ng Agency, panggigipit at pangwawasak ng unyon.

Nagtungo sila sa Pasig City Hall kung saan kinausap sila ng bagong mayor ng syudad na si Vico Sotto.

Hiling nila na maibalik sila sa trabaho, maibigay ang kanilang mga naudlot na benepisyo at kilalanin ang bagong tayong unyon. Nasa 200 kontraktwal na mga manggagawa ang nasa Super 8 Warehouse sa Pasig.

Ito ay pagmamay-ari ni Alvin Lim, founder at CEO ng Super 8 Retail System at sister company din ng Suy Sing Commercial Corporation. (Music: News background Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)