Wakasan si Duterte, sigaw sa Pambansang Araw ng Protesta

Nagtipon ang iba’t-ibang grupo sa Liwasang Bonifacio bilang bahagi ng pambansang araw ng pagkilos para sa panawagang wakasan na ang administrasyong Duterte, Setyembre 21, 2021. Itinaon ang protesta sa ika-49 taong komemorasyon ng batas militar na ayon sa mga progresibong grupo ay walang pinagkaiba si Duterte sa dating Pangulong Ferdinand Marcos lalo na sa usapin ng paglabag sa karapatang pantao at korapsyon sa gobyerno.