Nagsagawa ng isang kilos-protesta ang mga mag-aaral ng Universidad ng Pilipinas sa Diliman noong Hunyo 26 sa Quezon Hall kontra sa ipinataw na suspensyon sa mga patnugot ng Rebel Collegian.
Ayon sa mga estudyante, hindi katanggap-tanggap ang desisyon na iginawad ng University Council Executive Committee (EC) na suspensyon sa pitong mamamahayag pang-kampus.
Nauna nang ipinawalang-sala ang mga patnugot ng Student Disciplinary Council subalit binaligtad ito ng EC noong Hunyo 20.
Kinasuhan ang pitong patnugot ng fraud, disobedience and stealing nang sinasabing admin-installed editor in chief ng Philippine Collegian na si Jayson Edward San Juan matapos hindi i-turnover ang social media account ng Collegian, bagay na iginiit ng Rebel Kule na hindi ito pagmamay-ari kailanman ng publikasyon. (Bidyo ni: Joseph Cuevas/ Kodao)