Posts

Maayos na pampublikong transportasyon, iginiit ng health workers

Ni Joseph Cuevas

Nanawagan ang Alliance of Health Workers (AHW) sa gobyerno na kagyat na baguhin ang mga batas, patakaran at alituntunin na sumasagka sa mga health worker upang mas maayos na makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa panahon ng community quarantine kaugnay ng corona virus disease (Covid-19) pandemic.

Iginiit ni Robert Mendoza, tagapangulo ng AHW, na palawigin pa ng pamahalaan ang plano sa transportasyon na magbibigay-luwag sa mga manggagawang pangkalusugan upang tiyakin ang kanilang kagalingan, proteksyon, kaligtasan.

Ang panawagan ng grupo ay ipinahayag matapos may dalawang health worker na magka-angkas sa motorsiklo noong Miyerkules, Marso 25, ang hinarang ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City kahit nagpakita pa ng identification card na sila ay galing sa mga ospital.

Photo by Gerald Libiran.

Pinagmulta ng P5,000 si Gerald Libiran ng Philippine Orthopedic Center ang dahil lumabag umano ito sa pagbabawal sa backriding dahil sa Covid-19 lockdown. Angkas noon ni Libiran ang kanyang kapatid na empleyado rin ng National Children’s Hospital pauwi sa Bulacan.

Naiulat rin na iba pang nars ang napilitang bumaba at maglakad papunta sa kani-kanilang ospital at pauwi dahil hinaharang ang kanilang sinasakyan.

Sa kabila ng sakripisyo at paghihirap para makapasok at makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga pasyente ay ibayong hirap pa ang nararanasan ng mga health worker dahil sa kawalan ng lohika ng patakaran sa transportasyon ng lockdown ng pamahalaan, ayon kay Mendoza.

“Wala na ngang maibigay na personal protective equipment (PPE) upang matiyak ang aming kaligtasan sa panganib ng corona virus ay panggigipit pa ang inaabot namin sa daan,” reklamo niya.

Ayon naman sa Kagawaran sa Transportasyon, nagdagdag na sila ng iba pang ruta para sa libreng sakay ng mga health workers simula noong Marso 20.

Mula sa tatlong ruta sa umpisa ng lockdown, mayroon nang 13 ruta na may 74 na sasakyan ang umiikot sa mga sumusunod:  

NORTHWEST AREA, REVISED ROUTE 1

  • Meralco (Malanday)*
  • Valenzuela City General Hospital
  • MCU Hospital (Monumento)*
  • Caloocan City Medical Center
  • Tondo General Hospital
  • Our Lady of Fatima
  • Metropolitan Medical Center
  • San Lazaro Hospital
  • Jose R. Reyes Memorial Medical Center
  • University of Sto. Tomas Hospital
  • Chinese General Hospital
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*

NORTHWEST AREA, REVISED ROUTE 2

  • Valenzuela Gateway Complex*
  • Quezon City General Hospital
  • Balintawak*
  • MCU Hospital (Monumento)*
  • Our Lady of Fatima University
  • Chinese General Hospital and Medical Center
  • Philippine Orthopedic Center
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*

NORTHWEST AREA, REVISED ROUTE 3

  • SM City SJDM (Bulacan)
  • Dr. Jose N. Rodriguez Memorial (Caloocan)
  • SM Fairview*
  • Diliman Doctors Hospital
  • Veterans Memorial Medical Center
  • Lung Center of the Philippines
  • Philippine Heart Center
  • East Avenue Medical Center
  • Philippine Children’s Hospital
  • Centris Station (EDSA / Quezon Ave.)*

EAST AREA, ROUTE 4

  • SM City Masinag*
  • Marikina Valley Medical Center
  • Amang Rodriguez Memorial Medical Center
  • BFCT East Metro Transport Terminal*
  • Quirino Memorial Medical Center
  • Araneta Center Bus Terminal
  • Robinsons Galleria*
  • The Medical City – Ortigas

EAST AREA, ROUTE 5

  • Ortigas Hospital & Healthcare (Cainta)*
  • SM City East Ortigas
  • Pasig City General Hospital
  • The Medical City Ortigas
  • Robinsons Galleria*
  • VRP Medical Center
  • St. Luke’s Medical Center*
  • Rizal Medical Center

CENTRAL AREA, ROUTE 6

  • Centris Station (EDSA / Quezon Ave.)*
  • Providence Hospital
  • Capitol Medical Center
  • Philippine Orthopedic Center (Banawe)
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*
  • National Children’s Hospital
  • De Los Santos Medical Center
  • St. Luke’s Medical Center (E. Rodriguez)
  • UERM Memorial Medical Center
  • MRT-3 Cubao / Araneta Center*

CENTRAL/EAST AREA, REVISED ROUTE 7

  • Pasig City General Hospital
  • Immaculate Concepcion Cathedral*
  • Pasig Rotonda
  • Rizal Medical Center
  • The Medical City (Ortigas)
  • Robinsons Galleria*
  • Cardinal Santos Medical Center
  • VRP Medical Center
  • National Center for Mental Health
  • Makati Medical Center*

SOUTHEAST AREA, REVISED ROUTE 8

  • Starmall – Alabang*
  • SLEX Sucat Exit*
  • Bicutan Exit
  • Makati Medical Center*
  • St. Luke’s Medical Center – BGC*

SOUTHWEST AREA, REVISED ROUTE 9

  • Vista Mall, Daang Hari*
  • Perpetual Help Medical Center (Las Piñas)
  • Las Piñas General Hospital
  • Baclaran Market*
  • San Juan de Dios Educational Medical Center
  • Pasay City General Hospital
  • Adventist Medical Center
  • Makati Medical Center*
  • Philippine General Hospital
  • Manila Doctors Hospital
  • United Doctors Medical Center (Welcome Rotonda)*

SOUTHEAST AREA, ROUTE 10

  • RITM*
  • Asian Hospital and Medical Center
  • Muntinlupa City Hospital
  • Starmall – Alabang*

SOUTHEAST AREA, ROUTE 11

  • Starmall – Alabang*
  • SLEX Sucat Exit*
  • Bicutan Exit
  • San Juan de Dios EFI – Hospital
  • Gil Puyat Station LRT-1*
  • Philippine General Hospital
  • Manila Doctors Hospital

SOUTHEAST AREA, ROUTE 12

  • SM Molino
  • Imus Transport Plaza
  • Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center
  • Baclaran Market*
  • San Juan de Dios Educational Foundation Hospital
  • Gil Puyat*
  • Adventist Medical Center Manila
  • Philippine General Hospital*
  • Manila Doctors Hospital*

SOUTH AREA, ROUTE 13

  • Seaoil Imus Daang Hari/Aguinaldo
  • Imus Transport Terminal*
  • Las Piñas General Hospital
  • Perpetual Help Medical Center
  • RITM*
  • Asian Hospital and Medical Center
  • Muntinlupa Hospital
  • Starmall Alabang*

*Pick-up/transfer points

Ang mga doctor, nars, at iba pang kawani ng mga ospital ay makakasakay sa mga oras na 5 a.m., 7 a.m., 1 p.m. 3 p.m., 5 p.m. and 7 p.m., alinsunod sa iba pang patakaran katulad ng tamang pag-aagwat at pagkuha ng temperatura ng mga pasahero.

Photo by Joseph Cuevas.

Health workers package hiling sa kaarawan ni Duterte

Hiniling rin ng AHW sa kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Sabado, Marso 28, na bigyan sila ng “Health Workers Package” bilang pagtupad sa pangako nito sa mga manggagawang pangkalusugan at mamamayan.

Kabilang sa pakete ang kagyat na paglalaan at pagbibigay ng sapat at de-kalidad na mga PPE para sa mga health worker sa mga pampubliko at pribadong ospital, regular na empleyo at hindi boluntarismo sa mga pampublikong ospital ngayong panahod ng Covid-19 at kalaunan.

Dagdag rin sa pakete ang hazard pay at sapat na kompensasyon sa mga health worker, pagtaas sa pambansang badyet pangkalusugan at mass testing para sa lahat ng mga pasyenteng may sintomas ng COVID-19, gayundin sa mga frontline health worker at hindi VIP testing sa mga politiko. #

Ang mga Tsuper sa Gitna ng Lockdown

Dalawa lamang sina Tatay Leon at Tatay Diosdado sa mga tsuper na apektado ng tigil-pasada dahil sa lockdown.

Nagsimula ang lockdown sa buong Metro Manila noong Marso 15. Ito ay para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Kaugnay nito ang pagbabawal sa mga pampublikong transportasyon na mag-operate. Tinatayang nasa 75,000 ang bilang ng mga nakarehistrong jeepneys sa Metro Manila lamang.

Giit ni Tatay Leon na dapat mag-isip ang pangulo kung paano matutulungan ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa lockdown. Simula pa noong lunes, Marso 16, tigil-pasada na ang mga jeepneys at hirap ang mga tsuper sa paghahanap ng makakain.

Naganap ang panayam noong Marso 20.

Bidyo nila Jola Diones-Mamangun, Arrem Alacaraz, Reggie Mamangun at Jo Maline D. Mamangun

Music Info: Dramatic Emotional – AShamaluevMusic.

Music Link: https://youtu.be/il9HGo4hPjI

Ilang manggagawa nastranded pauwi sa kanilang tahanan

Naglabas ng hinaing ang ilan sa mga kababayan natin na hindi pinayagang makatawid at makauwi sa kanilang mga tahanan noong umaga ng Marso 18 sa boundary ng Pasig City at Cainta sa Rizal. Ito ay matapos ipatupad noong Marso 15 ang Luzon-wide lockdown, sanhi ng CoViD-19, na tatagal hanggang Abril 12

Giit ng mga pulis, tanging mga taga-Cainta lamang ang maaring dumaan sa checkpoint at inaantay pa ang abiso mula sa Malacanang kung sila ay padadaanin. Sinabi pa nila na humanap na lamang ng ibang daanan ang hindi mga taga-Cainta bagay na ikinagalit ng ilan sa mga kababayan natin na halos araw-araw ay dumadaan sa nasabing ruta mula sa kanilang mga trabaho.

Joseph Cuevas/Kodao